Elle's POV:
"Kanina ka pa nila hinahanap, nandito ka lang pala."
Nilingon ko ang nagsalita at agad tumaas ang aking kilay nang makita ko si Calyx sa aking likuran.
"Bakit daw?", tanong ko sabay balik sa aking paningin sa labas. Nandito kasi ako ngayon sa may hardin sa kaliwang bahagi ng palasyo. Nakaupo patalikod sa kaniya.
"Ipinapatawag tayo ng hari. Naroon na silang lahat sa may silid-tanggapan nito."
Di ko na lang siya pinansin pa at ipinikit ko na muna ang aking mga mata sabay higop sa hanging dumampi sa akin. Matapos ko kasing puntahan sina Blaze kanina ay di na muna ako sumama sa kanila pabalik sa silid ni Leah at sinubukan kong muli na hanapin si Kate, nguni't bigo pa rin ako.
"Kumain ka na ba? May mga pagkain din daw na ipinahanda roon sa pagpupulong.", mayamaya'y wika niya.
Himala yata at nakikipag-usap sa akin ang isang 'to ngayon. Kung hindi lang magulo ang takbo ng aking isipan, siguro ay kinilig na ako sa paglapit ng isang 'to.
"Hindi pa.", sagot ko na lamang sabay bukas ng aking mga mata.
"Iniisip mo pa rin ba kung nasaan si Kate?"
"Oo. Bakit, kayo ba ay hindi?", lingon kong muli sa kaniya.
"Hindi naman sa ganun. Kaya lang, naisip ko, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap."
"Anong ibig mong sabihin?", kunot-noo kong tanong sa kaniya.
"Wala naman. Naisip ko lang."
Tinitigan ko siyang maigi habang nasa unahan ang kaniyang paningin. Ano na naman kayang tumatakbo sa isipan nitong kumag na 'to. Kung ano-ano na lang kasi ang pinagsasabi.
"Punta na tayo dun. Kanina ka pa hinahanap nina Leah.", mayamaya ay nakangiting yaya niya sakin sabay hila sa aking braso. Wala na rin akong nagawa kundi ang magpahila sa kaniya habang pilit kong itinatago ang aking pagkakangiti.
Dark's POV:
"Ang huli kong maalala bago ako tuluyang mawalan ng malay nung araw na yun ay si Kate. Nasa harapan ko siya at tila may inaabot sa kung saan ko rin nakuha itong bato. Hindi ko masyadong maaninag kung ano yung nahawakan niya pero sigurado ako sa aking nakita, na tila may mga ginintuang liwanag ang pumasok sa kaniyang noo. Pansin ko pa ang nasasaktan niyang anyo saka ako tuluyang nawalan ng malay.", pagtatapos ni Leah sa kaniyang salaysay. Sakto namang bumukas ang pintuan at pumas0k sina Elle at Calyx.
"Ginintuang liwanag?"
"Ano kaya yung nakuha niya?"
Sari-saring bulungan ng aking mga kasama.
"Naalala kong sinabi niya kanina pagkagising na medyo masakit pa raw ang kaniyang noo, siguro ay dahil dun. Pero ano nga ba yun?", si Clau.
"Yung bato lang ba talaga ang nakita mong andun bago ka nawalan ng malay? Baka may iba pang bagay na di mo lang napansin.", tanong ni Xavier.
"Nung una ay sigurado ako, pero ngayon ay hindi ko na alam. Parang may lumitaw bigla sa aking alaala. Tila may kumislap na liwanag doon sa munting mesang bato nung nakalugmok ako sa lupa dahil sa sakit? Di ako sigrado.", may kahinaang saad ni Leah.
Natahimik naman ang buong silid matapos itong marinig kay Leah. Maging ang hari't reyna ay hindi agad nakapagsalita. Inilibot ko naman ang aking paningin at nakita kong nahulog sa pag-iisip ang aking mga kasama. Napako naman ang aking paningin sa magkatabing sina kyrios Laila at Melissa. Ang rinig ko kasi ay nagpaalam ang dalawang ito na uuwi na muna sa aming kaharian, kaya't ang akala ko ay umalis na talaga sila.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
خيال (فانتازيا)Dalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...