Mageia LII: Rebelasyon

85 5 0
                                    

Mia's POV:

Tahimik akong nakaupo habang pinagmamasdan si Kate na natutulog sa kaniyang kama. Matapos niya kasing himatayin kanina ay dito na siya dineretso ni Blaze sa aming silid.

Sakto rin kasi na tumigil na ang pagyanig at nawala na rin yung nakakasakit sa teynga na tunog. Nguni't ang gitnang bahagi ng aspida na nakapalibot sa buong akademya ay may lamat na. Medyo may kalakihan din ang napunit na bahagi at hindi na nga naging invisible muli ang natirang bahagi ng aspida.

Nahihintakutan na din ang mga estudyante kung kaya't imbes na bukas pa sana sila papauwiin sa kani-kanilang mga tahanan, ay napagdesisyunan bigla na ngayundin ay iuuwi na sila at mananatili munang sarado ang akademya hangga't hindi naisasaayos ang lahat.

Rinig ko din kanina na grupo-grupo ang paglabas ng mga estudyante at bawat grupo ay may mangungunang tigdadalawang myembro ng mathitevominos.

Samantalang sila Kate ay maaga ding sisimulan ang paglalakbay bukas.  Nais ko nga sanang sumama sa kanila nguni't di ko alam kung papayag ba ang kefali.

"Di pa ba siya nagising simula kanina?"

Napalingon naman agad ako sa may pinto at nakita ko si Azul na nakasilip.

"Hindi pa. Nguni't alam ko namang ayos lang siya. Siguro ay naubusan lang ng lakas."

Hindi naman na siya umimik pang muli habang nanatiling nakasilip.

"Nasaan ka ba kanina at di mo nabantayan itong amo mo?", may halong inis kong tanong.

"Eh kasi nagutom ako kanina matapos nung usapan doon sa opisina ni tanda, kaya dumiretso na ako sa may trapezaria. Andun lang ako hanggang sa matapos ang lindol."

"Ni hindi ka man lang ba natakot na baka bumagsak yung gusali ng trapezaria  at matabunan ka pa?"

"Hindi. Matibay naman ata yun.", nakanguso niya pang saad.

Tsk. Mana sa amo. Pag-untugin ko kaya kayo?

"Eh, ikaw? Nasaan ka din ba kanina at di kayo magkasama ng pinsan mo?"

At talagang binaliktad pa ako ng tanong nitong lobong to. Kaltukan ko kaya to?

"Hoy, may pinag-usapan kami ng nanay niya. Importante yun. At tsaka, kita naman namin yung pangyayari. Kaya nga nilapitan ko sila agad noh. Sus."

"Nye nye."

Aba't may attitude problem din ang isang to ah. Pambihira.

Magsasalita pa sana ako ng maulinigan kong nagbukas ang pintuan sa ibaba. Naalala ko naman agad si tita. Pinauna lang kasi niya ako kanina at sabi niya'y susunod siya.

"Bantayan mo na muna itong amo mo at may pag-uusapan kami ng nanay niya. Wag kang umalis dito at makukutusan na talaga kita."

Kamot-ulo naman siyang tumango at tuluyan na nga'ng pumasok sa silid ni Kate habang ako naman ay lumabas at pinuntahan si tita na ngayo'y nasa sala na.

"Kumusta si Kate?", agad niyang tanong nang ako'y makalapit.

"Tulog pa din po. Nanghina ata."

"Mmm."

"Ahm, tita, sigurado ka na ba'ng sasabihin mo na sa kaniya ngayon? Baka kasi mabigla siya at damdamin niya masyado."

Yun kasi ang pinag-usapan namin kanina ni tita kasama si dakilang Bellona. Ngayon na daw namin ipapaalam kay Kate ang tungkol sa pagkatao niya.

Desidido na si tita nguni't ako naman ang kinakabahan. Tiyak kasing malulungkot siya at baka kung ano pa ang kahihinatnan nito.

"Alam kong nag-aalala ka lang para sa kaniya nguni't napag-usapan na natin to Mia. Ito ang mas makakabuti para sa kaniya. Lalo pa't nakatakda na siyang maglakbay simula bukas."

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon