Kate's POV:
Kanina pa akong nakahandang lumabas nguni't parang wala naman ako sa aking sarili. Di ako mapakali. Hindi kasi mawaglit sa isipan ko iyong mga nangyari kahapon. Kahit na di ako gaanong umimik sa harapan ng hari kagabi, ay napag-isip-isip din naman ako.
Feeling ko kasi ay may koneksiyon talaga sa akin iyong nangyari nguni't di ko maipaliwanag kung ano. Ni wala nga akong maisip na sagot kung ano yung papel at kung bakit napunta ito sa akin. Pero sa totoo lang, simula nung pumasok sa katawan ko yung papel, pakiramdam ko lagi ay parang sobrang gaan ng katawan ko.
Napabuntong-hininga na lamang ako habang nakatingin sa labas ng bintana nitong aking silid. Sana lang talaga ay walang masamang idudulot ang pangyayaring iyon.
Naalala ko bigla si Mia at si mama Helena. Kung sana hindi ko na lang nalaman ang lahat, siguro ay hindi ganito kalalim ang mga iniisip ko ngayon.
Kumusta na kaya sila? Inaalala pa kaya nila ako?
Pinahid ko agad ang nag-iisang butil ng luha na dumaloy sa aking pisngi. Hindi ako pwedeng magpaka-emosyonal dahil wala ring mangyayari sa akin kung paiiralin ko lamang ang kahinaan ng aking loob. Kailangan kong maging matatag upang makakaya kong harapin ang kung anupamang darating sa mga susunod na araw.
Tama. Hingang malalim, Kate. Kaya mo to.
Napatingin naman ako sa orasang nasa dingding. Mag-aalas syete na ng umaga. Siguro naman ay nasa ibaba na yung mga kasamahan ko. Tinungo ko na ang pintuan at agad itong binuksan. Bahagya pa akong nagulat nang muntikan na akong madaganan ni Elle. Buti na lamang at kaagad akong nakailag.
"Hahaha. Elle naman. Walang dagat dito. Ba't ka sumisid?", natatawang saad ni Leah. Sumubsob kasi si Elle sa sahig ng aking kuwarto.
"Tse! Ba't ka ba kasi nanunulak eh?", maktol pa ni Elle.
"Eh kasi naman po, ang tagal mong kumatok."
"Ano na naman ba'ng ginagawa ninyong dalawa dito? Huwag niyong sabihing pinatawag na naman tayo?", putol ko sa kanilang bangayan. Mag-away ba naman kasi sa aking harapan. Pag-untugin ko ang mga 'to eh.
"Hehe. Sinusundo ka lang naman namin para sabay na tayong bumaba.", si Elle na kumapit pa sa braso ko.
"Oo nga. Kaya tara na. Baka maubusan pa tayo dun sa handaan.", si Leah na kumapit din sa kabilang braso ko. Parang mga bata.
Si Elle na mismo ang naglock ng pintuan at saka nila ako inakay sa kung saan man naroroon ang handaan.
Blaze's POV:
Kasalukuyan kong hinihintay si Calyx dito sa may munting hardin. Nasa loob pa kasi siya ng silid ng kaniyang mga magulang, ang haring Augustus at reyna Aphrodite. Pati nga si Lyn ata ay andun. Batid ko namang hindi sila magtatagal sa loob kung kaya't hinintay ko na. Ayoko rin naman kasing magpunta sa handaan ng mag-isa.
"Blaze!"
Napalingon naman agad ako sa pinagmulan ng boses.
Anong ginagawa nitong babaeng 'to dito? Ano na naman kayang sadya nito?
"Kalimera. Ba't andito ka pa?", nakangiting bati ni Nemi pagkalapit.
(Translation: Good morning)
"May hinihintay.", sagot ko na lamang.
"Ganun ba? Sino naman?"
Napakunot naman ang aking noo.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...