Mageia LXXVII: Ang Paghahanap kay Kate

63 6 0
                                    

Blaze's POV:

"Nakita niyo ba si Leah?", tanong ko kay Clau nang makasalubong ko sila ni Cha pagbalik ko sa loob ng palasyo.

"Hindi nga eh. Hinahanap din namin sila kasi pupunta sana kaming bayan, baka sakaling makita namin si Kate doon."

"Sino bang kasama niya kanina?"

"Si Elle. Di nga namin alam kung saan nagsuot yung dalawang yun. O baka naman nauna na pala sa amin. May ipapasabi ka?", tanong naman ni Cha.

"Balitaan niyo na lang kami pag may ideya na kayo.", saad ko na lamang saka ako nagpatuloy sa aking paglalakad.

Nais ko lang sanang malaman mula kay Leah kung wala bang kakaibang ipinaparamdam iyong batong nasa kaniya, at kung alam ba niya kung saan naroon ang ina ni Kate. Baka kasi ito ang dahilan ng biglaang pag-alis niya. Kaso saan na naman kaya gumala ang kapatid kong iyon?

Paakyat ako patungo sa silid ng aking mga magulang nang mamataan ko sa tabi ng rehas nitong hagdanan si HL. Ngayon ko lang siya nakita mula nung magkamalay ako kanina. Lumiko na muna ako para malapitan ang batang ito. 

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang mga bantay mo?", kausap ko rito nang nakaluhod upang makita ang kaniyang mukha.

Tumingin lang siya sakin saka muling dumungaw sa ibaba. Hindi yata masaya ang batang ito na gising na ako ah.

"BP, where's Kate?", mayamaya'y tanong nito sa malungkot na tinig. Kailan pa naging malapit ang dalawa para hanapin niya ang babaeng iyon?

"HL, ayusin mo nga yang lenggwahe mo. Kapag narinig ka na naman ni ina niyan, malalagot ka."

"Bakit siya umalis agad? Ayaw niya ba dito? Di ba kaibigan mo siya?", dahan-dahan nitong tanong na ngayo'y nakatingin na sa'kin.

Hindi ako agad nakaimik dahil di ko rin naman alam ang isasagot sa kaniya.

"Hanapin mo siya, BP. Tulungan kita.", dagdag pa niya sabay hawak sa aking braso. Ano na naman kayang naiisip ng batang ito?

"Pupuntahan ko sila ina. Sama ka?"

"Ayoko. Kailangan ko ng konsentrasyon. I will find Kate.", wika nito saka tumalikod at tumakbo papunta sa direksiyon ng kaniyang silid. Napailing na lamang ako. Saan nga kaya nagmana ang batang iyon at sa napakamurang edad nito ay para ng matanda kung umasta.

Tumayo na lamang ako saka itinuloy ang naudlot kong lakad. 



Chris' POV:

"Ngayon na ba talaga kayo babalik sa inyong kaharian?", tanong ng hari matapos marinig ang aking sadya. Dito ako sa may veranda kaliwang bahagi ng palasyo dinala ng kawal nung tinanong ko sa kaniya kanina kung nasaan ang hari. Kasama niya ang kaniyang reyna na dito'y nag-ti-tsaa.

"Opo, mahal na hari. May mga kailangan lang po kaming asikasuhin doon."

"Kung ganoon ay mag-iingat na lamang kayo sa inyong byahe. Ikumusta mo na lamang ako sa inyong mga magulang at pagpasensiyahan mo na ang hindi ko agad pag-asikaso sa inyong pagdating. Nagkataon din kasing maraming nangyari dito sa palasyo.", wika naman ng reyna.

Di na ako sumagot pa at tumango na lamang sa kaniya saka ko hinigop ang tsaang hawak ko. 

"Nga pala, bakit kailangan niyong isama si Nemi?" Napatingin naman akong muli sa reyna dahil dito.

Dahan-dahan ko na munang ibinaba ang tasang hawak ko.

"Taga-doon po kasi siya sa amin at inihabilin sa amin ng kaniyang mga magulang na dalhin siya sa aming pag-uwi.", sagot ko na lamang. Di ko na muna babanggitin sa kanila ang tungkol sa pagkatao ni Nemi. Saka na kapag iaanunsiyo na ng aking mga magulang ang tungkol sa kaniyang muling pagbalik sa amin.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon