Mageia LXXXV: Kaharian ng Fos

58 5 0
                                    

Kate's POV:

Nagising ako sa tama ng liwanag sa aking mukha. Pinakiramdaman ko na muna ang aking sarili saka ako nagpasyang bumangon. Nguni't nagulat ako ng makita ko si Mars na nakasimangot sa may gilid at kunot-noong nakatingin sa akin. Agad kong inilibot ang aking paningin saka ko napagtantong nasa mundo na naman pala nila ako.

"Ba't ako nandito?", tanong ko kay ibon.

"Malay ko. Ano nga ba'ng ginagawa mo dito?", nakasimangot pa rin nitong sagot. 

"Para namang sinasadya ko ang magpunta dito ano?"

"Oo. Dahil hindi ka naman makakarating dito kung hindi mo ninais. Tss."

"Ewan ko sayo. Nami-miss mo lang yata ako eh.", biro ko pa.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Pagkatapos mo akong iwan dun sa ibaba ng bundok? Tss."

Ay, kaya naman pala galit. Nagtatampo ba ang ibong ito? Lol.

"Nasaan nga pala ang mga ate ko?", wika ko sabay tayo.

"Bawal silang gambalain. Mayroon kaming mahalagang ginagawa ngayon.", wika niya sabay tulak sa akin ng mahina upang mapabalik ako sa pagkakaupo.

"Mahalaga? Eh bakit nandito ka sa silid ko?"

"Kaya nga istorbo ka. Naramdaman nila ang pagdating mo kaya't nautusan na naman akong magbantay. Tsk."

"Galit ka na niyan?", pabiro kong tanong. 

"Tss. Sige na. Bumalik ka na dun.", wika niya sabay saboy ng kumikislap na tila alikabok sa aking harapan.

Hindi ko na nagawang magreklamo pa dahil agad ko ng naramdaman ang antok. 


"Kate? Kate? Gising ka na ba?", tinig ni Azul ang aking narinig nang magising ang aking diwa. Agad kong binuksan ang aking mga mata at daling bumangon. Nasapo ko tuloy ang aking noo nang maramdaman ko ang kaunting pagkahilo dahil sa biglaang pagkilos.

"Dahan-dahan lang. Ba't bigla-bigla kang bumangon. Narinig mo lang ako eh.", natatawang wika ni Azul sabay abot sa akin ng maiinom.

Pinalo ko muna ang kaniyang balikat saka ko inabot ang tasang hawak niya at deretsong nilagok ang laman nito. Muntikan ko pa itong maibuga dahil sa pait kundi ko lang namataan si Artemis na kakapasok lang ng silid.

"Akala ko ba tubig 'to? Ba't ang pait?", baling ko kay Azul.

"May sinabi ba akong tubig yan? Gamot yan para tuluyang gumaling iyang sugat mo.", pigil-tawa niyang saad.

"Tss. Saan ka ba galing kanina at di ka dumating nung kailangan ko ng tulong agad?", tanong ko sabay abot nung tasa sa kaniya.

"Eh sa may humabol sa akin. Buti na lang at tinulungan niya ako.", turo niya kay Artemis na ngayo'y nakangiti habang nakasanday sa may pintuan.

"Kumusta, Kate? Medyo matagal na rin mula nung huli nating kita ah.", wika nito sabay upo sa silyang malapit.

Di na lang ako nagsalita at tanging irap ang itinugon ko sa kaniya saka ko dinukot mula sa aking bulsa iyong papel na nakasabit sa palaso nung andun pa ako kina tandang Bellona. Ibinato ko ito kay Artemis na agad naman niyang sinalo.

"Alam kong sa'yo galing yan kaya't huwag mo akong madaan-daan sa drama. Anong meron at pinapunta mo ako? Muntikan pa tuloy akong mapahamak. Tsk."

"Nalaman mo agad na sa akin 'to?", nakangiti niya pang tanong.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon