Kate's POV:
Nagising ako sa lakas ng mga boses na nagbabangayan sa aking tabi. Ano ba naman 'tong mga taong ito, kitang may natutulog eh dito pa talaga napiling magsigawan. Pag-untugin ko kaya tong mga to. Bumangon na lang ako at umupo sa aking hinigaan. Inilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa bahay na pala kami, sa aking kuwarto mismo. At ang nagsisigawan kanina lang ay ang dalawa kong magagaling na BFF.
"Oh, gising ka na pala Bessy.', bati ni Mia sabay upo sa tabi ko.
"Ay, hindi pa Bessy. Imagination mo lang yan.", bara naman agad ni Bestie Jude sa kaniya. Aba, loko to, linya ko dapat yun ah.
"Umayos ka Andrew E., at baka mabigwasan na kita. Nahawa ka na 'ata kay Kate, at wag mo akong ma-Bessy-Bessy diyan dahil di tayo close.", inis na si Bessy Mia niyan. Andrew E. kasi ang tawag niya kay Jude pag inis na ito, dahil na rin sa kaniyang pangalan na Jude Andrew. Haha, nakakatawa nga eh. Kahit kailan itong dalawang 'to para talagang aso't pusa.
"Aba't itong babaeng 'to kung makapag-andrew e ka jan ,eh kala mo naman ang ganda-ganda mo. Hoy, mas maganda pa sa'yo ang alaga kong pusa sa bahay.", ganti naman ni Bestie Jude. At baka kung saan pa aabot ang bangayan nila, eh minabuti ko na lang pigilan. Dahil kanina pa ako dito may mga katanungan.
"Uhm, guys, awat na muna, okay..'Wag na mag-away, peace tayo lahat dito ha... At tsaka, ano bang nangyari? Pa'no tayo nakarating agad dito? Diba nasa school pa tayo kanina, at nagpe-perform sa English class.....", at tsaka lang nag-flashback sa'kin lahat ng mga kaganapan kanina. "Oh, my god.!",shock na naman ako at niyuyog ko bessy. " Bessy, ano 'yun? Ba't ganun? Anong nangyari? Di ko magets.",naguguluhan kong tanong sa kaniya habang panay ang kapit ko rito.
"Relax, Bes. Parating na si Tita, saka na namin ipapaliwanag lahat 'pag andito na siya. At pati 'tong kumag na ito ay may dapat ding ipaliwanag.",baling naman niya kay bestie Jude na umirap lang sa kaniya.
Minabuti na lang naming magmeryenda at manuod ng palabas sa tv habang inaantay si Mama sa may sala. Habang panay ang aking subo sa paborito kong chips ahoy na kapartner ng may ever so favorite na strawberry juice, ay panay rin ang sulyap ko sa dalawa kong BFFs na nasa kabilang upuan. Pareho silang tahimik na pawang may malalim na iniisip, habang ako naman ay abala rin sa pag-iisip kung ano ang kanilang pinag-iisip. Hay, ang gulo nun ha. Nakakasira kasi ng bait yung mga naganap kanina.
Nasa ganun pa rin kaming kalagayan ng bumukas ang pinto at pumasok ang maganda kong nanay. Grabe, sa sobrang lalim ng mga pinag-iisip namin ay di man lang namin napansin ang pagdating niya.
Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin at ako'y niyakap ng buong higpit. Nawala tuloy lahat ng pagkalito ko sa init ng kaniyang yakap. Dahil alam kong lahat ng mga katanungan ko ngayo'y may kasagutan na.
Nang ako'y kaniyang binitawan, hinarap ko siya at agad tinanong.
"Ma, ano 'yung mga nangyari kanina? Bakit ganun? Ang weird lang kasi lahat, eh. Ma, ano ba ako? Normal ba akong tao?", nitong mga nakalipas na oras ay yun lang ang naisip ko na maaaring kasagutan ng lahat, na hindi ako, kami normal na tao. Matagal-tagal din akong pinagmasdan ng aking ina bago siya nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. Napako ang kaniyang tingin sa nakaupong si Jude bago siya bumaling kay Mia, at tila nakakaintindi naman agad si bessy sa nais ipahiwatig ng aking ina.
"Don't worry, Tita. Dahil sa palagay ko'y may alam din ang kumag na ito, at sa tantiya ko'y isa rin siya sa atin.", sabi pa ni bessy kay Mama. Mas lalo tuloy nangunot ang aking noo at pinagmasdan ko rin ang ngayo'y tahimik pa rin na si bestie. Mayamaya pa'y napukaw ang aking pansin ng kausapin ako ni Mama.
"Anak, may mga impormasyon kaming sasabihin sa'yo. Lubhang napakaimportante nito sa ating pagkatao kaya't sana'y pakinggan mo ng lubos at intindihin kahit na alam kong medyo mahirap paniwalaan.", seryoso ngunit malumanay na saad ni Mama.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...