Leah's POV:
Natapos ang pagpupulong namin na parang wala sa sarili si Kate. Malalim yata ang kaniyang iniisip. Sa sobrang lalim nito ay di ko na masisid. Lol. May naririnig ba naman kaya 'to sa pinag-uusapan namin?
Napagdesisyunan kasi na isang oras mula ngayon ay maglalakbay na kami papuntang kaharian ng Nero, ang kaharian nina Clau. Kailangang malaman namin kung ano ang nagyayari doon at baka may maitulong na rin kami. Si kyrios Marcus naman ay maglalakbay papuntang kentro vasilio upang maibigay sa megalon agion ang pahinang nawawala. Si kyrios Laila na raw muna ang bahala sa amin.
Isa-isa nang nagsilabasan ang aming mga kasamahan upang makapaghanda na. Tumayo na rin si Kate upang lumabas nguni't pansin kong wala rito ang kaniyang isipan. Tsk Tsk. Naiwan pa niya sa mesa ang bulaklak na daladala niya kanina.
Kukunin ko na sana ito para maibigay sa kaniya nguni't may kamay na umuna sa akin. Gulat naman akong napatingin sa aking kapatid nang makita kong siya ang pumulot nito saka tumangong nakatingin sa akin. Pagkatalikod niya'y napapangiti na lamang ako ng wala sa oras. Bakit ba? Eh sa kinikilig ako eh. Dahan-dahan ko naman silang sinundan.
Hinabol niya si Kate na mabagal namang naglalakad palabas. Sinabayan niya ito sa paghakbang at biglang iniabot niya rito ang bulaklak ng paionia. Medyo nagulat pa si Kate at huminto sa kakalakad. Napabaling muna siya ng tingin sa kasabay na si Blaze. Nakakatawa silang tingnan. Magkatitigan na nga eh pareho pang walang ekspresyon ang kanilang mga mukha. Lol.
Mayamaya pa'y kinuha na ni Kate ang bulaklak at saka tuloy-tuloy na naglakad habang sinusundan na lamnag siya ng tingin ni Blaze. Kailan kaya magiging normal ang samahan ng dalawang 'to? Yung hindi na sila parang aso't pusa. Tsk. Makapaghanda na nga rin lang.
Kate's POV:
Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang iba pang pinag-usapan kanina sa pagpupulong. Basta't ang alam ko lang ay kinailangan na naman naming maglakbay ngayon patungong kaharian ng Nero, ang kaharian ni Rain.
Excited din naman akong makarating doon, kaso di pa rin mawala sa akin ang pangamba sa mga pangyayaring nagaganap ngayon. Wala man akong naririnig na kahit anong pagtatanong na mula sa kanila nguni 't ramdam ko namang nahihiwagaan na din sila sa mga pangyayari. Di ko lang mawari kung ano-ano na nga ba ang tumatakbo sa kanilang mga isipan ukol sa pangyayaring ito.
Kahit ako nga na bago lamang sa mundong ito at halos wala pang alam ay nagdududa na rin na may kaugnayan sa akin ang mga nangyayaring ito. Baka meron na din sa kanilang nagdududa sa akin ngayon. Kasi nga diba panay ang sabay naming paglaho ni Lyn, tapos nagpunta pa sa akin ang papel, tapos ngayon nakilala ko pa si lolo Hugo at sakin ibinigay ang pahinang nawawala. Kaduda-duda na ang mga yun diba? O baka naman paranoid lang ako masyado.
Nag-aalala lang kasi ako na baka mamisinterpret nila ang pagkatao ko. Oo nga't may iba sa akin pero di naman ako masama. Ni wala nga akong kaalam-alam sa mga ito. Haay. Buhay nga naman oo.
Namalayan ko na lamang na kaharap ko na ang pintuan ng aking silid. Tsk. Lutang talaga.
Pumasok na lamang ako at dumiretso sa may banyo. Kailangan kong maghilamos at nang mahimasmasan man lamang kahit konti. Kaharap ko ang salamin nang mapatingin ako sa bulaklak na hawak ko. Naalala ko tuloy si Blaze. Ano kayang nakain nun at siya pa ang nagsauli sakin nito?
Nang matapos kong maghilamos ay nagpalit na agad ako ng damit. Yung komportable ang pinili kong suotin. Wala naman na akong dapat pang ligpitin sa mga gamit ko dahil hindi ko naman inilabas ang mga ito mula sa singsing kung hindi ko gagamitin.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...