Kate's POV:
Kasalukuyan naming tinatawid ngayon ang isa pang tulay na mas maliit ng konti kaysa kanina. Nasa likurang bahagi ito ng palasyo, sa bandang kaharap ng may kataasang talon. Kailangan daw naming tumawid mula dito hanggang doon sa kabila na natatabunan ng waterfall dahil naroon daw ang daanan papunta sa itaas.
Isa-isa kaming nagsitawid. Nauna iyong kawal kanina, kasunod si Clau at si Blaze. Nasa hulihan naman ako na kasabay si Dark. Ewan ko ba sa isang 'to, di na ata ako nilubayan mula pa kanina. Di ko naman siya gaanong pinapansin at itinuon ko na lamang sa aking nilalakaran ang aking atensiyon. Medyo madulas kasi ang daanan dahil na rin sa tubig.
Medyo malapit na rin kami sa batong talampas, nguni't bago iyon ay kailangan muna naming dumaan sa nagsibagsakang talon. Akala ko nga ay mababasa talaga kami, pero na-amazed ako sa ginawa ni Clau. Hinawi lamang niya ang waterfall na parang kurtina at nahati na ito sa gitna upang kami ay makadaan. May kaugnayan pala sa tubig ang kapangyarihan niya, siguro ay taga dito siya sa Nero kaya't ganun na lamang sila kalapit ng hari't reyna.
Pagkatawid namin sa talon, ay tumambad sa aming harapan ang mataas na stone cliff na siyang inaagusan nung waterfall. Sa ibaba naman nito ay may mga halamang namumulaklak at sa gilid ng matibay at mataas na bato ay may hagdan-hagdang daanan paakyat. Dito dumaan iyong kawal kasunod sila Clau, kaya't sumunod na din kami.
"Dahan-dahan lang at baka matisod ka. Medyo madulas ang mga bato dito banda.", si Dark na kasunod ko. Di ko na lamang siya sinagot at ipinagpatuloy ko na ang pagtapak sa hagdan-hagdang daan.
Makaraan ang ilang minuto ay sinubukan kong dumungaw sa ibaba at napagtanto kong medyo may kataasan na din ang aming narating. May mga rehas naman sa gilid nitong hagdan na hanggang baywang ang taas kung kaya't malabong may mahulog.
Medyo nanginginig na ang aking mga tuhod sa kakalakad nguni't di ko ipinahalata. Ayokong maging pabigat pa sa kanila. Feeling ko ay kulang na yata ako sa pahinga kaya't wala sa kondisyon ang aking katawan.
Makalipas ang isang oras ay narating din namin sa wakas ang ibabaw nitong talampas at sobra akong namangha sa aking nakikita. Isang napakalaki at malalim na ilog ang nandito. Dito pala nanggagaling ang tubig na umaagos pababa sa talon.
Tinatahak namin ngayon ang pathway sa gilid ng ilog. Maraming mga puno at halaman ang nandito. Meron rin akong namamataang parang kampo sa bandang unahan. Siguro ay ito na yung mga kawal na nagroronda dito. Kung gayong binabantayan talaga nila itong ilog, ibig sabihin ay mahalaga ito para sa buong Nero. Hinuha ko ay dito nanggagaling ang supply ng tubig sa buong kaharian. Malinis at sobrang linaw rin kasi ng ilog na ito.
"O Fallon, nasabihan mo na ba ang hari ukol sa pangyayari dito? At sino naman iyang mga kasama mo?", may kaangasang tanong ng isang lalaking sumalubong sa amin.
Kapareho lang naman siya ng uniporme nitong kawal na kasama namin, kulay berde na parang sa nutcracker pa din, pero ang sa balikat niya ay may dalawang maliliit na batong emerald na nakadikit na kumikislap sa tama ng liwanag at ang berdeng sumbrero niya ay may linings na kulay ginto.
"Igetis, nasabihan ko na po ang mahal na hari at ang reyna. At ito pong mga kasama ko ang ipinadala ng mga kamahalan para matingnan ang pangyayaring nagaganap sa ieri pisina.", wika naman ng kawal na nakayuko pa.
(Translation: Pinuno)
Mmm, kaya naman pala may iba sa suot niya at medyo maangas, pinuno pala nila.
"Sila? Ano namang maitutulong ng mga batang ito sa problema natin?", kunot-noong tanong niya.
Di ko gusto ang hugis ng pagmumukha ng isang 'to. Akala mo kung sino.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasíaDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...