Sa mundo ng Mageia....
"Ina, pinatawag niyo raw po ako.?", tanong ng dalagang nakadamit pandigma matapos nitong makapagbigay-galang sa kaniyang Inang Reyna.
"Oo anak. May ipapagawa ako sa iyo. Dahil wala tayong maaasahan dun sa nakakatanda mong kapatid. Hanggang ngayo'y wala pa rin akong balita kay Prinsipe Adonis, ni presensiya niya ay di ko maramdaman.", sagot ng reyna Libitina habang abala ito sa paghahalo ng mga sangkap sa ginawang magiko filtro ( magic potion ).
"Pabayaan na muna natin ang aking adelfos (brother), Ina. Baka naglalakbay lang iyon sa ibang bahagi ng Mageia. Alam mo naman ang hilig nun.", saad ng dalaga habang nagbubuklat ng aklat.
Tinapos ng reyna ang paghahalo at nilapitan ang dalaga. Niyakag niya ito paupo sa malapit na upuan at inayos ang buhaghag na buhok.
"Napakahalaga ng misyong iaatas ko sa iyo, at wag na wag mo akong bibiguin.",
"Makakaasa po kayo, Ina. Gagawin ko po ang lahat para magtagumpay. Nguni't anong misyon po ba ito?", nasasabik na tanong ng dalaga.
Tumayo ang reyna at nagpalakad-lakad habang nanatiling nakaupo ang dalaga na nakasunod ang tingin sa ina.
"Panahon na para tayo ay kumilos. Handa na rin ang gagamitin mong magiko filtro.", Muli ay humarap ito sa dalaga at ngumiti ng nakakakilabot. " Ihanda mo na ang iyong sarili, dahil ikaw Prinsesa ng kahariang Adistaktos ay papasok sa ipinagmamalaking akademya ng mga vaseleian, ang ASD Mageia Akademia. At maghanda ka para sa napakahalagang papel na iyong gagampanan.", saad ng reyna at tinapos niya sa isang malademonyong tawa na sinabayan na rin ng dalaga kahit medyo naguguluhan.
**************************
Jude's POV:
Natapos ang linggo na magulo pa rin ang aking isip. Sobra akong nalilito sa aking mga natuklasan sa aking Bestie Kate. Una, ang kakaiba niyang boses pag kumakanta. Talagang napakaganda at nakakabighani. At kung bakit siya pinagbabawalan ni Tita Helena at ni Bessy Mia na iparinig ito sa iba.
Pangalawa, paano niyang nakikita ang kulay violet na reaksiyon noong uminom ako sa huling patak ng potion na aking dala. Iyon yung potion na dala ko para hindi mahagilap ang aking presensiya. At isa ko pang problema iyon kung saan ako kukuha ng karagdagan para sa aking maintenance.
Pangatlo, paano niya nababasa at naiintindihan ang mga nakasulat sa spellbook na dala-dala ko. At higit sa lahat, nung banggitin niya ang salitang pagoma ay nagawa niya talagang i-freeze ang paligid. Di niya lang pansin dahil wala naman siyang alam, kaya't ni-reverse ko agad ang spell niya.
Kaya ngayon, sobra akong naguguluhan sa mga natuklasan ko. At kung naguguluhan din kayo sa akin, well Oo, hindi po ako tao. Saka na lang kung ano man ako dahil sa ngayon sobrang gulo ng isip ko. Dahil ang mga pinamalas ni Bestie ay katulad din namin. Ibig bang sabihin nito ay hindi rin siya tao? Sila ng Mama at pinsan niya? At kung Oo, paano at bakit naman kaya sila napadpad dito?
Nagulo ko tuloy ang bagong suklay kong buhok, medyo mahaba na rin kasi ito. Makapagpagupit nga mamaya pagkauwi. Nakaka-stress ka naman kasi Bestie. Katulad din ba kita? Hmm...
Alam ko na. Para ma-prove ko talaga to, may gagawin ako mamaya. Hhmmm... Mahanap nga iyong spell para sa pamamaos.
Kate's POV:
Lunes na naman. Kanina pa akong handa para sa eskwela. Pati nga rin si Bessy ay handa na. Si Mama na lang ang hinihintay namin, may binalikan pa kasi siya sa taas. Kanina pa rin ako hindi mapakali dito sa sasakyan. Para bang may kakaibang mangyayari mamaya. Ewan, para akong natatae, na na-eexcite, na kinakabahan. Ang weird ko ngayon, promise. Nakailang tanong na nga si Bessy kung okay lang ba daw ako. Di ko nga kasi ma-explain kaya sinabi ko na lang na natatae ako, binatukan ba naman ako. Tatanong-tanong siya tapos pag sinagot mambabatok lang pala. Weird din itong si Bessy eh.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...