Mageia XIX: Regalo ng mga gabay-diwa

97 5 0
                                    

Mia's POV:

Kanina pa akong di mapakali dito sa aming silid. Nalibot ko na ang halos lahat ng sulok dito ngunit hindi pa rin dumarating si Kate. Buong akala ko kanina ay dito siya dideretso mula nung lumabas siya sa trapezaria. Ngunit hanggang ngayon na may kalaliman na ang gabi ay ni anino niya di ko pa nakita. Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng yun?

Di ko na kaya ang maghintay lang kaya't lumabas ako ng aming kuwarto at tahimik na tinahak ang daan pababa sa unang palapag para puntahan ang taong makakatulong sa akin.

Buong ingat at panay lingon kung nilakad ang pasilyo papunta sa tinutuluyan ni Jude. Pagkaharap ko sa pintuan ay agad akong kumatok ngunit mukha ang aking natamaan dahil sa biglaang pagbukas nito.

" Aray ko naman. Sinong-? Mia?!", may kalakasang sambit ni Jude habang sapo ang natamaang mukha. 

" Anong ginagawa mo dito?",

" Ssshh. Hinaan mo nga yang boses mo. Pag ako nahuli ni Asthan dito, malalagot ka talaga sa'kin.", saway ko sa kaniya. 

Si Asthan ang napaka-istrikto naming ploíarchos koitóna ( dorm master ). Ipinagbabawal nito ang paglabas ng bawat silid kapag oras na ng pagtulog. At ang mahuhuling lumabag ay may katapat na parusa.

" Bakit ka ba kasi andiyan? Natamaan mo pa tuloy ang gwapo kong mukha.", walang saysay pa nitong reklamo.

" Eh, ikaw? Ba't ka lumabas? Hindi ka sana natamaan kung di mo biglang binuksan ang pinto. Saan ka ba pupunta?", balik-tanong ko sa kaniya.

" Ay, oo nga pala. Pupunta nga pala sana ako sa inyo para matingnan ang kalagayan ni Kate. Ayos lang ba siya? Ba't mo nga pala iniwan dun?", sabay yugyog sa balikat ko.

" Bumitaw ka nga.", iwinaksi ko ang kaniyang mga kamay. " Yun nga ang dahilan kung bakit kita ginambala dito."

" Ha? Bakit? May nangyari ba kay Kate? Ayos lang ba siya? Sumagot ka.", agaran niyang tanong na di man lang ako pinatapos at niyugyog na naman ako.

Binatukan ko nga. Nakakainis eh.

" Aray. Nakakarami ka na, ha.", reklamo na naman niya.

" Ang ingay mo kasi, eh. Kung makinig ka nga muna sa sasabihin ko. Gusto mo pa talagang mabatukan." 

Natahimik naman siya. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka nagpatuloy. 

" Wala si Kate sa aming silid. Hanggang ngayon ay di pa siya dumarating at di ko alam kung nasaan siya ngayon."

" Ano?!", sigaw na naman niya. Agad kong tinakpan ng aking kamay ang kaniyang bibig at nagpalinga-linga sa aking likuran. Mabuti naman at walang nakarinig nun.

" Ipapahamak mo ba talaga ako?", sabay bitaw ko sa bibig niya.

" Sino ba namang di magugulat dun?", pabulong niyang saad. " Kung ganun, ano pang hinihintay natin dito? Tara at hanapin natin siya. Dali!", sabay hila niya sa akin.

Maingat naming tinahak ang pasilyo hanggang sa may bulwagan sa harap. Maliksi kaming nakapagtago sa isang malaking haligi nang may dumaang dalawang fylakes ( guards ) na nagroronda sa bawat dormitoryo. Nang sila ay makalagpas na ay agad naming tinakbo ang labasan. Hinihingal kaming napatigil sa punong aming nadaanan.

" Hooh! Kapagod namang tumakbo.", alma ni Jude.

" Saan na natin siya hahanapin ngayon?", tanong ko rito.

" Mag-isip ka ng maaari niyang puntahan at mag-iisip din ako.", mungkahi naman niya habang sabay na kaming naglalakad palapit sa may anoichto pedio.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon