Kate's POV:
Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Nagkagulo, nagkasagupaan, nasugatan, naghilom, ipinagtanggol at ngayo'y naparusahan.
Oo, binigyan kami ng karampatang parusa. Isang linggo na pagtulong sa pagamutan ang parusa ng grupo ni Melissa. Di ko nga alam kung bakit yun ang binigay sa kanila, eh sila naman tong nagsimula ng gulo. Sabagay, tiyahin niya nga pala yung Laila na yun, sinabi sakin ni Lucy kanina. Kaya naman pala magkaugali. Ang grupo naman nila Lyn ay binigyan ng limang araw na pagbabantay sa buong anoichto pedio. Samantalang kami ang naatasang tumulong sa araw-araw na pagluluto para sa buong akademya. Ang bigat ng sa amin, diba? Pero di bale na, hilig ko naman ang magluto, eh. At tsaka libre ang tikim kada luto.
" Hoy, Kate. Ba't ka nakatulala diyan habang naglalakad? Iniisip mo pa rin ba yung parusa sa atin?", siko sa akin ni Lucy. Sabay kaming lima na naglalakad papuntang trapezaria. Oras na kasi ng hapunan. Di naman sana ako gutom pero pinilit nila akong isama. Sila Chris at Alex naman ay sabay umalis, di ko na inalam kung saan patungo baka sabihin pa nila usisera din ako.
" Konti. Tsaka naisip ko lang na wala pa nga tayong isang linggo dito pero sobrang dami na ng nangyari. Ano pa kaya sa mga susunod na araw?", matamlay kung saad.
Medyo nakakalungkot lang kasi na pawang di maganda ang mga naganap.
" Huwag kang mag-alala, bestie. Malay mo sa susunod na mga araw, eh masasayang ganap naman ang mararanasan natin? Sabi nga nila diba, kapag walang tiyaga ay wala ring nilaga.", saad ni Jude sabay akbay pa sa akin.
Napakunot-noo naman ako sa kaniyang tinuran.
" Andrew E, mali ka naman ata. Anong konek ng nilaga at tiyaga sa mga naranasan natin, aber?", turan ni bessy Mia na may pagtulak pa kay Jude.
" Aray ko naman, Mia. Umandar na naman yang pagka-sadista mo.", reklamo ni Jude.
Mahina lang naman ang pagkakatulak, nag-iinarte lang itong si Bestie.
" Ganito kasi yan. Isipin niyo ha, paano natin malalaman na masaya na pala tayo at nagustuhan natin ang isang pangyayari kung hindi naman natin naranasang malungkot at maghirap, diba? Kuha niyo? Kaya pareho lang yun. Nasa sa inyo na yun kung paano niyo intindihin.", paliwanag naman ni Jude.
" Sabagay. May punto ka rin, pero ayusin mo na sa susunod ang mga gagamitin mong salita nang hindi na kita mabatukan. Kuha mo?", taas-kilay na saad ni Mia.
" Dalian niyo na nga, gutom na ako.", at nagpatiuna na siya sa paglalakad.
Sumunod naman sa kaniya si Jude na nag-aanyong mambabatok na hindi naman natuloy dahil sa paglingon ni bessy. Napapailing na lang ako sa kakulitan nitong dalawa.
" Tara na, Kate. Ikain na lang natin 'to. Gutom na rin kasi ako.", kausap sakin ni Nemi habang umabresyete sa aking braso at sabay na kaming naglakad.
Si Lucy naman ay humabol dun sa dalawang nauna. Mabuti na lamang at may mga kaibigan akong Mia at Jude na ngayo'y nadagdagan pa ng Nemi at Lucy.
Pagpasok namin sa trapezaria ay pansin ko ang manaka-nakang pagbubulungan at maririing titig ng mga estudyante sa amin, lalo na ata sa akin. Ano na naman bang meron? Pumila na lang kami sa unahan para makakuha na ng makakain.
" Hayan na ang mga baguhang takaw-gulo."
" Si Melissa pa talaga ang binangga nila. Ano namang laban nila dun?"
" Oo nga. At balita ko pa ay may mga parusa sila. Di ko pa lang alam kung ano. Sana mahirap nang magtanda at lumugar ang mga yan."
" Hindi naman sila ang nagsimula ng gulo, bakit sila sinali sa parusa?"
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...