Mageia XVI: Mga Kaibigan

98 6 0
                                    

Kate's POV:

" Nakakakulo talaga ng dugo ang Melissa'ng 'yun. Akalain niyo bang nagawa niya talagang makipagtagisan sa idolo kong fos angelon ?" 

Kanina pa yang palakad-lakad sa harapan namin si Lucy at walang ibang bukambibig kundi ang iniidolo niyang pangkat na fos angelon. At puro naman pamimintas sa grupo nila Melissa.

" Sabagay, noon pa man ay magkaribal na ang dalawang pangkat na iyan.", patangu-tango pa niyang sabi. " Ang di ko lang maintindihan ay kung bakit sobrang malapit talaga sila sa mga prinsipe. Alam niyo ba?", baling niya sa amin nang tumabi siya kay Nemi na nakaupo sa kamang hinihigaan ko. 

" Kami talaga ang tinanong mo, noh? Baka nakakalimutan mong baguhan lang kami dito. Ano namang alam namin diyan?", pabalang kong sagot sa kaniya na tinawanan naman ni Nemi. Napanguso tuloy si Lucy. Biro ko lang naman yun, noh.

" Oo nga naman, Lu. Ba't kasi kami pang tinanong mo niyan. Yan tuloy nasampulan ka ng taray ng reyna ng kapilosopohan. Dahan-dahan lang kasi.", natatawa namang saad ni Nemi habang inaapuhap ang kaniyang ulo. 

" Tigilan mo nga yan, Nemi. Ginawa mo naman akong aso niyan, eh.", reklamo naman niya at inalis ang kamay ni Nemi sa kaniyang ulo. Natatawa na lang ako sa kanila.

Andito pala kami ngayon sa pagamutan ng akademya na tinatawag nilang nosokomeio. Simpleng gusali na isang palapag lang ito kung titingnan sa labas ngunit sa pagpasok mo ay mamamangha ka sa lawak at taas nito na umabot sa tatlong palapag. Madadaanan ito papunta sa may open field nila. Sadyang inilapit nila ito sa lugar ng pagsasanay nang sa ganun ay agad maagapan ang kung sino mang magtatamo ng anumang sugat.

" Kumusta na ang pakiramdam mo, Kate?", tanong ni bestie Jude habang papalapit sa akin.

Sila kasi ang kumausap dun kay Alyonna, ang therapeftis  ( healer ) na gumamot sa akin.Kasunod naman niya si Chris habang si Alex naman ay kanina pa nakaupo sa may mini sala nitong silid at nagmamasid lamang sa amin . Sosyal nga ang bawat silid ng pagamutan nila, eh. Parang private suite sa hospital ng mga normal na tao.

" Ayos lang naman ako, best. Di naman siya masakit, eh. Talagang maraming dugo lang ang umagos dahil sa lalim ng sugat, pero di talaga siya masakit.", sagot ko kay Jude.

Nagtataka nga rin ako kung bakit ganun. Sa lalim ng sugat na natamo ko at sa dami ng dugo ay kataka-takang wala akong nararamdamang kahit konting kirot. Nilinis ni Alyonna ang aking sugat kanina pagkadating ko at pinahiran ng kulay asul na likido para daw tumigil ang pagdurugo at magsara ang sugat nito.

" Nagkasugat ka na nga at lahat, wala ka pa ring ibang sasabihin kundi ayos ka lang?", boses ni Mia ang sumagot sa akin na nagpalingon sa aming lahat sa may pintuan.

At naroroon nga siya kapapasok pa lang kasunod ang nagpakilala dati na si Xavier. Ano namang ginagawa nitong lalaking 'to dito?

" Binibini, kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Ang sugat mo, nagamot na ba?", agaran nitong tanong pagkalapit sa akin na umupo sa kama at hinawakan pa ang aking kamay.

Nakakaaliw na nakakailang naman 'tong isang 'to. Feeling close naman masyado. Pansin ko naman ang mahihinang tawa nila Lucy at Nemi. Habang nakataas naman ang kilay nitong si Jude at ang iba pa ay nanatili namang tahimik.

" Ah, hihi. Ang kamay ko poh. Pwedeng wala munang hawakan?", sabay bawi ko sa kamay niya na naging dahilan ng pagkamot niya sa kaniyang ulo. May kuto 'ata to. Mapagtripan nga.

" Ah, pasensya na, ha, pero sino ka nga ulit?", painosente kong tanong sa kaniya. At dahil dito ay napabunghalit na sa tawa si Lucy at si Mia. Akala ko pa naman mananahimik na 'tong si Mia, eh. Pati si Jude sumabay pa.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon