Mageia LXXV: Ang Pag-alis ni Kate

73 6 0
                                    

Kate's POV:

Nang marinig ko kanina ang boses ni Azul sa aking isipan ay kaagad akong nawala sa aking konsentrasyon sa paggagamot ko kay apoy. Pero natapos ko naman yata yun, magiging okay na din siguro ang isang yun. Kahit na di ko alam kung paano ko yun naisip ay sigurado naman akong gagana yun. 

Ang di ko lang maintindihan eh kung paano ako naglaho bigla doon sa silid ni Blaze at biglang nandito na ako sa may hardin. Nakaka-stress. 

Nang marinig ko kasing sinabi ni Azul na nandito sila sa may hardin ng palasyo ay kaagad kong naisip ang imahe ng hardin sabay ng kagustuhang magpunta agad dito. At nandito na nga ako. Ano yun, nakapag-teleport na ako? Taray. Pero di nga. Kaya ko na?

Ang kaso eh wala naman akong makitang Azul dito at kung sino man yung kasama niya. 

'Kate, asan ka na?' Boses na naman ni Azul sa aking isipan. Totoo nga sigurong nandito siya sa palasyo ngayon dahil di naman namin kayang magkausap ng ganito kung nasa malayo siya.

'Nandito na ako sa hardin. Sabi mo hardin diba?' 

'Maraming hardin dito, Kate. Sigurado ka bang nasa tamang hardin ka?' 

Ay lechugas. Ba't di ko naisip yun?

'Sa harap nitong palasyo na lamang tayo magkita para siguradong hindi ka na maliligaw. Bilisan mo at may naghihintay sayo.' 

Kainis 'tong lobong ito, ah. Kung makautos akala mo ay kuya ko siya. Medyo malayo kaya yung sinasabi niyang tagpuan. Nasa may likurang hardin yata itong kinaroroonan ko. Bakit ba kasi dito ako napunta? 

Tsk. Ramdam ko pa naman ang pagod. Naubos yata kay prinsipeng tulog ang aking enerhiya. Maglalakad na nga lang ako para siguradong hindi na nga ako maligaw. Haay.



Dark's POV:

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung paano nagawang lunasan ni Nemi ang nangyari kay Blaze at sa amin kanina. Inilipat na namin siya ngayon sa kaniyang silid at inaasikaso na rin siya ng kaniyang ina. Sabi pa nung manggagamot bago ito umalis kanina para balikan sina Lea, ilang minuto na lamang ay maaaring gigising na rin daw si Blaze. 

"Binibini, ano nga ulit ang pangalan mo?", ang reyna Diana habang abala sa pagpupunas sa noo ni Blaze at kausap si Nemi. Ang iba naman naming kasamahan ay nagsipahinga na muna. Ako, si Nemi at ang magkapatid na Chris at Alex lamang ang naiwan dito.

"Aurora Nemesis. Pero Nemi na lang po." 

"Aurora? Pamilyar sa akin.", nakangiting wika ng reyna sabay titig kay Nemi.

"Paano mo nga pala nalunasan itong si Blaze?", tanong naman ng hari.

Napatitig din ako kay Nemi at hinihintay ang kaniyang kasagutan dahil kanina pa akong interesado itong malaman.

"Ahm, ano po. Nang magbalik po ang aking kamalayan ay lumutang po ako palapit kay Blaze at niyakap ko po siya ng mahigpit saka ko hinigop ang lahat ng apoy mula sa kaniya."

"Ibig mong sabihin ay nung lahat kami ay walang malay saka ka naman nagising?"

"Opo.", sagot ni Nemi sa tanong ng hari.

"Pero nung magkamalay na kami ulit diba't nasa baba ka lang?", si Chris na pansin kong kanina pa kunot-noong nakatingin kay Nemi.

"Ah nanghina kasi ako matapos nun kaya't nahulog ako mula sa pagkakalutang. Tapos nun nagising na kayo saka ko naman sinalo si Blaze." 

Di na muling nagtanong pa si Chris matapos marinig ang sagot ni Nemi pero kita ko pa din ang pangungunot ng kaniyang noo na tila ba hindi naniniwala sa mga narinig mula kay Kate o may pagdududa? Hindi ko alam kung ano pero ito ang nakikita ko sa kaniya. Pero bakit kaya? May nalalaman ba si Chris sa mga nangyari kanina? Pero imposible dahil alam kong lahat kami ay nawalan ng malay dahil sa apoy.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon