Kate's POV:
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Medyo mahapdi pa sya nung una pero kalauna'y naging okay naman. Nang maaninag ko na ang buong paligid, ay halong pagtataka at pagkamangha ang aking nadarama.Pagtataka kung nasaan na ba ako at pagkamangha sa tanawing nakikita ko ngayon.
"Maligayang pagdating dito sa aming kaharian, binibini.", napabaling naman ako ng tingin sa aking kanan na kung saan nanggaling ang tinig. Nakita ko dito ang mermaid o gorgona kung tawagin nila. Ito din yung gorgona na nakita ko nung pagdating ko sa akademyang ito, kaso lang wala siyang buntot ngayon, sa halip ay nakasuot siya ng dilaw na see-through gown na kita ang kaniyang katawan, at tila mga kabibe lamang ang nakatakip sa mga maselang parte nito. Grabe, ang liberated naman ng mga sirenang ito.
Sa sinabi niyang iyon ay inilibot kong muli ang aking paningin. At totoo nga na nasa kaharian ako ng mga sirena. Ganitong-ganito kasi ang hitsura nung mga nakikita ko sa palabas dati. Na-excite naman tuloy ako. Magsasalita na sana ako ng mapagtanto kong nasa ilalim nga pala ako ng tubig, kaya't dali kong tinakpan ang aking ilong at bibig.
Napalingon naman ako sa gorgona nang marinig ko itong humagikhik.
"Nasa kaharian ka nga na nasa ilalim ng tubig pero di naman ibig sabihin nun ay malulunod ka na.", nakangiti niyang sabi. "Pinakain kasi kita kanina ng mahiwagang damo na kung tawagin ay fykia. Dahil dito ay makakahinga at makakapagsalita ka na kahit nasa ilalim ka pa ng tubig. At di mo na rin mararamdaman na basa ka.", dagdag niya pa.
Sa sinabi niyang ito ay para naman akong nabunutan ng tinik at kinalma ko ang aking sarili. Kaya pala parang di ko man lang ramdam ang tubig sa palibot ko. At kaya din pala parang may kakaiba akong nalalasahan, may pinakain pala sila sakin. Di ko man lang nakita ang hitsura ng kinain ko.
"Nasan nga pala ang mga kasamahan ko?", mayamaya ay tanong ko sa kaniya.
Blaze's POV:
Kanina pa ako naiirita sa mga babaeng laging nakasunod sakin, mga sirena na nagkatawang-tao. Ang mas lalo ko pang ikinainis ay di ko na mahagilap ang mga kasamahan ko. Matapos kasi kaming lamunin ng tubig kanina ay isa-isa din silang nagsilaho. At ako nga ay bigla na lang din napunta dito sa isang kaharian sa ilalim ng tubig. Ito ata ang tirahan ng mga gorgona na nakapaligid lang din sa akademya.
Itinuloy ko na ang aking paglalakad na mas binilisan ko pa upang mailigaw ko ang mga nilalang na ito. Kung gumagana lang sana ang apoy dito sa ilalim ng tubig, kanina pa tustado ang mga to.
Sakto namang pagliko ko sa isang pasilyo ay nakasalubong ko si Chris at sina Adria at Rahim. Himala na walang nakasunod na mga gorgona sa kanila. Napatingin naman sila sa likuran ko na kung saan naroon ang mga nilalang na nakabuntot sakin.
"Naitaboy ni Adria kanina ang mga nakasunod samin. May galit ata sa mga babae ang mga gorgona dito. Nang makasalubong kasi namin si Adria ay nagsialisan din agad ang mga nakasunod samin.", hayag ni Rahim.
Sa sinabi niyang ito ay agad kong tinanguan si Adria. Kuha na niya kung ano ang ibig kong sabihin. Matagal na din kasi namin nakasama ang dalawang to sa mga misyon.
Pahakbang pa lang si Adria palapit sa pwesto ko ay isa-isa ng nagsialisan ang mga gorgona. Pero matatalim na titig naman ang iniwan nila kay Adria.
"Nasan ang iba?", mayamaya ay tanong ko sa kanila.
Leah's POV:
Patuloy naming tinatahak ngayon ang pasilyo dito sa kahariang ito. Wala namang gaanong nangyayari maliban nga lang sa mga babaeng gorgona na kung makatitig ay halos katayin na kami. Kasama ko ngayon sina Alicia at Paulo. Nagkabanggaan pa nga kami kanina sa may likong parte. Tumatakbo kasi ang dalawa.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...