Kate's POV:
Ang Mageia ay binubuo ng pitong kaharian.
Kaharian ng Aeras. Kahariang pinamumunuan ni haring Augustus at reyna Aphrodite. Ang kahariang humahawak sa elemento ng hangin at lupaing pinangangalagaan ng tagagabay na si Aeolus.
Kaharian ng Nero. Kahariang pinamumunuan ni haring Claudius at reyna Athena. Ang kahariang humahawak sa elemento ng tubig at pinangangalagaan ng tagagabay na si Neptuna.
Ang kaharian ng Gi na pinamumunuan ni haring Titus at reyna Ceres. Kahariang humahawak sa elemento ng lupa at pinangangalagaan ng tagagabay na si Vesta.
Kaharian ng Fotia ng elemento ng apoy na pinamumunuan ni haring Romulus at reyna Diana at pinangangalagaan ng tagagabay na si Mars.
Kaharian ng Fos ng tagagabay na si Aether para sa elemento ng liwanag at pinamumunuan ng haring Constantine at reyna Eirene.
Ang kaharian ng Skotadi na pinangangalagaan ni Eos, ang kambal ni Aether at pinamumunuan ni haring Valentino at reyna Gaia, ang humahawak sa elemento ng dilim.
At ang pinakasentrong kaharian na nakaangat sa lupa at nakalutang kasama ng mga ulap, ang Kentro Vasileio ni haring Jupiter at reyna Juno. Ang pinakamalakas na kaharian na pinangangalagaan mismo ng dyosang si Althea.
Ngunit may isa pang bathala silang kinikilala. Ang pinakamataas sa kanilang lahat, mas mataas pa kay Goddess Althea, ang kaniyang ama. Si Bathalang Theos.
Mayroon ring dalawang malalawak na kagubatan dito, ang aspro dasos ( white forest ) na sakop ng kahariang kentro vasileio na pinamumugaran ng iba't-ibang mga nilalang na may mabubuting puso kahit na maiilap ang iba nito. At ang mavro dasos ( black forest ) na nasa gawing timog ng Mageia at ang kanlungan ng mga mababangis na nilalang. At sa layuning mapangalagaan ang lahat ng kaharian mula sa mga ito, ay nilagyan ni haring Jupiter ng harang na gawa sa kaniyang kapangyarihang kidlat ang palibot ng nasabing kagubatan ng sa ganun ay hindi sila makakalabas.
Ang lahat ng ito ay nalaman ko kahapon mula kay Mama. Ikinuwento niya ito sa aming tatlo pagkatapos naming magliwaliw sa palibot ng bayang aming kinaroroonan na napag-alaman kong nasasakop ng kahariang Gi.
At ngayong araw na 'to ng Lunes ay kakaibang pagliliwaliw ang aming gagawin dahil ayon na rin sa kaniya ay papasok kami sa isang akademya na nasa lupain ng gitnang kaharian, sa kentro vasileio. At kung ang mismong kaharian nito ay nasa himapawid nakalutang at natatabunan ng mga ulap, ang akademyang ito naman ay nakalutang sa ibabaw ng napakalawak at napakalalim na lawa na katapat lang din mismo ng nasa himpapawid na kaharian.
Pagkarinig nito, ang dalawa kong bff's ay sobrang excited na. Excited din naman ako nguni't mas nangingibabaw ang kaba. Understood naman kasi yun, super duper new pa kaya ako dito sa mundong ito. Pero, di bale na lang, mas okay na 'to para mas madiscover ko pa ang mundong ito at ang aking mga kayang gawin. Mahahasa din daw doon ang aking kapangyarihan. Akala ko nga yung sa pagkanta lang ang magic power ko, eh. Meron pa palang iba, yung kakayahan ko din sa pagbigkas ng mga spells na walang kahirap-hirap.
Kaya't heto kami ngayon, super abala na naman sa pag-iimpake at paghahanda para sa aming pagpasok sa nasabing akademya. Di naman daw namin kailangang magdala ng mga gamit doon dahil provided daw ng school ang lahat ng mga kakailanganin ng mga estudyante. Eh di wow, sila na ang bongga. Pero magdadala pa rin ako ng ilang masusuot ko, malay mo wala silang t-shirts at jeans dun.
"Dalian mo na diyan, bessy. Tawag na tayo ng Mama mo.", apura sakin ni Mia. Kanina pa kasi siya tapos, sila ni bestie.
"Oo na po, eto na.", sabi ko habang isinukbit sa aking balikat ang may kalakihang backpack. "Tara na. 'Asan na ba sila?",
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...