Mia's POV:
Kanina pa akong di mapakali, nag-aalala ako kay Kate. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pwedeng kuhanin ay talagang siya pa ang natipuhan.
Halos di nga ako nakapagsalita agad kanina nang gisingin ako ni Lucy at sinabihang may dumukot kay Kate. Paglabas ko naman agad sa aking kubol ay problemadong mukha ni Jude ang aking natunghayan.
At heto kami ngayong dalawa nag-iisip nang kung anong pwedeng gawin.Nasa ganun kaming kalagayan nang marinig ko sa aking likuran ang boses ni Chris.
"Huwag kayong masyadong mabahala. Alam kong ligtas naman ngayon si Kate?"
Napalingon agad ako sa kaniya. Medyo nag-init ang aking ulo sa kanyang tinuran.
"Hindi mabahala? Paano naman namin gagawin yun eh dinukot nga yung kaibigan namin? At saka panu mo naman nasabi na ligtas siya? Andun ka ba? Nakita mo ba kung anong kalagayan niya ngayon?", may halong inis na saad ko sa kanya.
Hindi naman siya agad nakaimik habang tahimik lang na nakamasid sa amin si Jude. Alam kong mali na ibunton sa iba ang aking galit nguni't di ko lang talaga mapigilan.
"Hindi naman sa ganun. Ang ibig ko lang namang sabihin ay ipinagbigay-alam na namin ito sa mga kyrios na andito at alam kong gagawin nila ang nararapat.", wika pa niya.
Hindi ko na lang din siya sinagot pa. Ayoko ng humaba ang usapan. Alam ko namang nag-aalala din ang isang to kay Kate. Nitong mga nakaraang araw kasi ay pansin ko ang pagiging malapit na nila kung kaya't alam kong kaibigan na rin ang turingan nila sa isa't isa.
Nilamon kami saglit ng katahimikan at parehong napatingin sa kawalan nang bigla na lamang humahangos na dumating itong si Xavier.
"May sulat na natanggap sila Marcus galing sa nagngangalang Alexus. Pinapasabi na wala naman silang gagawing masama sa bihag kung hindi rin natin sila papakialaman sa gagawin nila ngayon.", agarang wika nito.
"Bakit? Ano bang gagawin nila? Anong kinalaman ng kaibigan ko?", taka kong tanong. Di pa rin kasi malinaw sakin kung ano ba talagang nangyayari.
"Nandito na rin pala si kefali Ruvalon. At ipinapatipon niya ang lahat ng mga kalahok upang pabalikin na daw muna sa akademya gamit ang kaniyang portal.", dagdag wika ni Xavier na ikinagulat ko.
"Ano?! At paano si Kate? Iiwan na lang natin dito?!", naiinis na ring sambit ni Jude.
"Sila na daw bahala dito. Suspendido na raw muna ang pagsubok kung kaya't kailangan muna nating magbalik sa akademya. Sa totoo lang, di rin naman ako sang-ayon na iwan natin dito si Kate.", sagot naman ni Xavier.
"Di ako aalis dito nang di ko kasama si Kate. Kung kailangan kong halughugin ang disyertong ito, gagawin ko.", matigas kong saad. Bahala sila sa gusto nila at bahala na rin ako sa gusto ko. Napatango naman sakin si Jude tanda ng pagsang-ayon niya.
"Alam ko kung saan maaaring naroroon ngayon ang mga dumukot sa kaniya.", rinig kong sambit ni Chris.
Nagkatinginan naman kaming tatlo saka nagsitanguan.
"Sama ako.", saad na rin ni Xavier. Alam ko namang hindi talaga magpapaiwan ang isang to. Lagi tong bumubuntot kay Kate eh. Mainam na rin. Mas marami, mas mabuti.
Leah's POV:
Sinimulan na ng kefali ang pagbuo ng portal. Di kasi lahat ng taga mageia ang biniyayaan ng kapangyarihan ng tilemetafora at ng paggawa ng portal kung kaya't kailangan pang sunduin si kefali Ruvalon para maibalik kami sa akademya. Ang tilemetafora rin kasi ng mga kyrios na andito ay di kayang gamitin sa pagdala ng mangilan-ngilan ding estudyante, mataas na enerhiya rin kasi ang maaaring magamit.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...