Blaze's POV:
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kung bakit nagkainitan na naman ang dalawang ito, nguni't kitang-kita ko kanina ang pagbato ni Kate kay Melissa. Hindi lang yun simpleng pagbato dahil ramdam ko ang pwersang nakabalot sa kamay niya nung oras na yun.
Pinagmamasdan ko na lamang siyang nagdadabog na lumabas ng bulwagan.
"Anong nangyari dito?"
Napayuko naman kami nang makalapit ang haring Augustus. Yung ibang nakatingin kanina ay nagsibalikan na din naman sa kani-kanilang mga ginagawa.
"May konting di pagkakaintindihan lang po ang dalawang kasamahan namin. Maaayos din po nila ito.", si Dark na ang sumagot.
"Mmm. Normal lang naman yan sa mga kabataang gaya ninyo. Nguni 't huwag ninyong hayaang umabot pa sa pisikalan ha. Eh bakit nga pala parang galit na lumabas yung isa?", tanong pa ng hari.
"Magpapahangin lang po yun. Medyo uminit kasi ang ulo.", si Elle.
"Ganun ba? Huwag ninyong hayaan na may masamang mangyari sa isang yun. Di pa natin alam kung ano ang laman nung papel na pumasok sa katawan niya at kung ano ang maidudulot nito. Paalala lang."
Nagsitanguan naman ang lahat sa tinurang ito ng hari.
"Mahal na hari, ipagpaumanhin na po ninyo ang ginawang kaguluhan nina Kate at Melissa sa inyong piging. Talagang di lang po nagkakasundo ang dalawang yan simula pa lang.", si kyrios Marcus na nakalapit na din pala.
"Mmm. Wala namang problema sa akin yun. Para sa inyo naman kasi ang inihanda kong ito. Ayoko lang talaga ng gulo lalo pa't nasa loob kayo ng kaharian ko.", nakangiting tugon ng hari.
"O sige na, ituloy na natin ang kasiyahan. Hayaan na muna natin ang mga bata.", akay pa ng hari kay Marcus at nagbalik sila sa kanilang puwesto kanina.
"Melissa, umayos ka ha.", si Dark.
"Pssh.", tanging sagot ni Melissa saka padabog na ding nagtungo sa iba pa niyang kasama.
Tsk. Kay aga-aga, pinapasakit ninyo ang ulo ko. Napailing na lamang ako.
Nang akbayan naman ako ni Calyx ay nagpatiayon na rin ako sa kaniyang pagyaya upang kumuha ng makakain. Baka sakaling mabawasan na rin ang init ng aking ulo.
Kate's POV:
Sa kakalakad ko ay di ko na namalayang nakalabas na pala ako ng palasyo. Wala namanng kawal na nangahas pumigil sakin kaya't ipinagpatuloy ko na lamang ang aking paglalakad.
Nakarating ako sa daanang napapaligiran ng mga puno ng kawayan. Ito na ata ang daan papuntang sentro ng Aeras. Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa umabot ako sa parang crossing. Abala ako sa kakaisip kung saang daan ako pupunta kaya't wala akong kamalay-malay sa paligid.
"Hiya!"
"Ay kabayo!"
Napatalon pa ako sa gulat nang biglang may dumaan sa aking tagiliran. Isang kabayong itim na may sakay. Matulin itong tumatakbo palayo, tanging alikabok lamang ang iniwan.
Sinundan ko naman ito ng tingin at nagulat na lamang ako nang may makita akong matandang lalaki na gumulong sa unahan. Agad ko naman itong tinakbo upang matulungan.
"Ayos lang po ba kayo?", saad ko habang siya ay inaalalayang makatayo.
"Efcharisto, neari kyria."
(Translation: Thank you, young lady)
"Napaka-walang modo naman nun. Akala mo kung sinong hari ng daan, eh.", tukoy ko dun sa lalaking nangangabayo."
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...