Mageia LXVII: Ang Batong Kristal ng Gi

63 4 0
                                    

Leah's POV:

Naging alerto kami lahat at inaabangan ang anumang maaaring lumabas mula sa kabaong. Wala na rin naman kaming takas dahil biglaang sumarado ang dinaanan namin kanina. 

Nasa harapan ang apat na kawal, kasunod nila ang mga prinsipe, at nasa hulihan naman kaming mga babae. 

"Ano yung tunog na yun?", tanong bigla ni Elle nguni't wala naman kaming naririnig. 

"Rinig mo rin yun, Elle? Ano kaya yun?", tanong naman ni Kate. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Paanong may naririnig siya eh wala naman kaming narinig.

Lumakad paunahan si Elle, medyo malapit sa may kabaong na tila ba pinakikinggan kung doon ba nagmula ang tunog na kaniyang narinig. 

Nguni 't naudlot ang kaniyang paghakbang nang mayroong mga nagsilabasang malalaking salagubang mula sa mga butas sa dingding sa harap. Ang laki ng mga ito ay tulad ng sa isang gumulang na daga, kulay itim at may mapupulang mga mata.

"A-ano ang mga yan?!", nahihintakutang sigaw ni Nemi na agad nagtago sa likuran ni Blaze at kumapit sa braso nito. 

"Hindi yan mga simpleng salagubang lang. Sa hitsura lang nila ay tila panganib ang kanilang dala.", balisang hayag ni Xavier.

Dahan-dahan kaming nagsikumpulan paatras habang dahan-dahan ding nagsigapang palapit sa amin ang mga nilalang na nakakatakot sa dami. 

Tinanggal ni Blaze ang kamay ni Nemi na nakakapit sa kaniyang braso saka siya pumwesto sa harapan. Sa tingin ko ay balak niya yatang sunugin ang mga salagubang na papalapit. Magandang ideya naman yun.

Kinuyom niya ng mahigpit ang kaniyang mga kamao sa bawat tagiliran saka binuka. Saglit na kumunot ang kaniyang noo ng tila wala namang nangyari. Inulit niya ang kaniyang ginawa ngunit wala talagang nangyari. Maging sina Xavier at Rain ay sinubukan na ring gamitin ang kanilang kapangyarihan nguni't gaya ng kay Blaze ay wala ring nangyari.

"Hindi yata gumagana ang mga kapangyarihan natin sa lugar na ito.", wika ni Alex. Mas lalo tuloy kaming nakaramdam ng kaba lalo pa't patuloy na lumalapit sa amin ang mga salagubang. Buti na lamang at hindi agad umatake ang mga ito, tila ba nakikiramdam din sa amin.

"Ano na'ng gagawin natin?", mahinang tanong ni Clau.

"May naririnig talaga akong tunog galing sa kabaong.", muli ay wika ni Elle. Wala akong duda kung may naririnig nga siya subali't mahirap na malapitan ang kabaong dahil napapalibutan na ito ng mga salagubang na tila galit. Nakakatakot silang tingnan dahil sa mga mapupula nilang mata at sa wari ko ay sobrang talim din ng mga bibig nito.

Unti-unti na akong pinagpawisan dahil sa kaba nguni't di ko ito dapat pairalin. Kailangan kong tatagan ang aking loob. 

Muli ay pumorma si Blaze. Sa pagkakataong ito ay ibinuka niya ang kaniyang kanang kamay saka pumikit. Ilang segundo lamang ay umilaw ang suot niyang singsing at nang mawala ang liwanag ay hawak na niya ang isang espada, ang espadang mula sa spanio magiko oplo. Buti naman at kahit papaano ay may gumanang kapangyarihan dito.

Nguni't dahil sa presensiya ng espadang ito ay tila naging agresibo ang mga salagubang. Nagdulot tuloy ito ng matinis na tinig sa buong paligid. Yung tinis na nanunuot sa ilalim ng tainga patungong utak. Masakit, nakakahilo. Panay tuloy ang pagtakip namin sa aming mga tainga maliban kay Blaze na ngayo'y mahigpit na napahawak sa kaniyang espada at nakahanda na sa pag-atake ng mga galit na salagubang. Parang sa pagkakataong ito ay sa kaniya nakasalalay ang aming kaligtasan.

Nang tuluyan na nga'ng umatake ang mga salagubang ay panay ang wasiwas ni Blaze sa kaniyang espada upang walang makalapit sa amin kahit isa. Habang kami naman ay napapaupo na sa sahig dahil sa hilong nararamdaman na dulot ng matitinis na tinig ng mga salagubang.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon