Kate's POV:
Pagpasok ko sa naturang silid ay bumungad sa akin ang napaka-maaliwalas na disenyo ng kaniyang opisina. Nature ang mga nakaukit na drawings sa palibot na dingding. Isang napakagandang tanawin na makikita sa itaas ng burol ang kaniyang pinta.
Napansin kong nakaupo na sila sa nakahilerang malambot na upuan habang kaharap nila ang isa na namang babae sa mesa nito. Siguro secretary to ng headmaster nila. Dali-dali akong napatabi kay Mama habang panay ang libot ng aking paningin.
Malaki ang opisina. May fireplace pa sa gawing kanan malapit sa bintana at katabi nito ay katamtamang laki na bookshelf na puno ng libro at pabilog na mesang ginto sa may gitna. Sa aming kanan naman ay isa pang pinto na kulay brown, siguro ito ang private office ng headmaster.
Napaupo ako ng maayos nang marinig kong magsalita ang babae.
"Maligayang pagdating sa akademya. Ako nga pala si Meliva Alithis, ang kanang-kamay ng ating kefali kyrios.", nakangiti niyang saad habang nanatiling nakaupo at nakangiti.
"Salamat, Meliva. Ito nga pala ang aking anak, si Kate, at ang kaniyang mga kaibigan na sina Mia at Jude. Sinamahan ko sila sa kanilang pagpapalista dito sa akademya. Galing na kami kay Mikaela, at dito niya kami sunod na dinala. Maaari ba naming makausap ang kefali? (head )", si mama na ang nagtanong.
"Mabuti kung ganun. Ngunit ikinalulungkot kong ipagbigay-alam sa inyo na hindi niyo pa makakausap ang kefali sa ngayon sapagka't siya ay kasalukuyang nasa importanteng misyon. Ngunit huwag kayong mabahala dahil ako na muna ang bahala sa pinalidad ng kanilang pagpapalista. Maaari ko bang makuha ang inyong mga magiki charti?", magalang niyang kausap sa amin. Kung kanina ay nakakainis si Mikaela, ngayon naman ay nakakagaan ng loob itong si Meliva.
Isa-isa naman naming ibinigay sa kaniya ang aming mga papel na hawak. Nang maiabot ko sa kaniya ang aking papel ay napatingin siya sakin na tila nagtatanong ngunit kalauna'y ngumiti na rin.
"Hindi pa pala gaanong nagagamit ng inyong anak ang kaniyang kapangyarihan dahil sa nanatili pa ring puti ang kaniyang charti.", sabi nito ng ako'y tumabi ulit kay Mama.
"Bago pa lang kasi niyang nadiskobre ang kaniyang kapangyarihan."
Napatango naman si Meliva matapos marinig ang sinabi ni Mama.
"Itatago ko na muna ito sa magiko tholo, ang mahiwagang lalagyan ng mga charti at saka na ito babasahin ng kefali pag hindi na siya abala. Sa ngayon ay ibibigay ko na sa inyo ang inyong susi sa kuwartong magiging bahay niyo na rin. Pero bago ang lahat ay kailangan niyo munang dumaan sa mageía tou aímatos ( blood magic ) para sa huling proseso ng inyong pagiging opisyal na estudyante."
Kinabahan naman tuloy ako sa kaniyang sinabi, dahil buong buhay ko ay hindi pa ako nasugatan,hindi pa ako nakakita ni kahit konting butil ng aking dugo tapos ngayon ay mayroong blood na sangkot? Ano 'to? Napakapit tuloy ako kay Mama. Napansin niya siguro ang aking kaba kaya hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti.
"Kung sinong mauuna, maaari na siyang sumunod sa akin.', tumayo si Meliva at lumapit sa gintong mesa. Saka ko lang napansin na may nakapatong pala doon na isang golden box. Sumunod naman sa kaniya si Jude. Pinagmamasdan ko lang silang mabuti kung ano nga bang proseso iyan.
May kinuha siyang bagay na nakabalot sa puting tela mula sa may bookshelf. Lalo pa akong kinabahan nang malamang isa pala itong kutsilyo, isang maliit na gintong kutsilyo. Kinuha niya ang kanang palad ni Jude at sinugatan. Agad naman niyang itinapat ang pagpatak ng dugo sa nakasarado pa ring kahon. Pagkatapos ng tatlong patak ay umilaw ang kahon, binitawan na rin niya ang kamay ni bestie. Pagkawala ng ilaw na iyon ay saka niya binuksan ang kahon at may kinuha doon na kaniya ring ibinigay agad kay Jude.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...