Mageia XL: Ikatlong Pagsubok (part II)

83 4 0
                                    

Leah's POV:

Halos mga labinlimang minuto na rin kaming nakaupo dito sa tabi ng aming bangka. Oo, nakarating na kami at kami pa ang nauna. Pagkatapak naman namin dito ay nawala na agad ang aming mga piring sa mata, at alam namin na ito nga ang aming bangka dahil may marka itong V. Kaya't heto kami ngayon nakaupo sa mga bato-bato.

Nakahanay naman dito lahat ng mga bangka kaya't sigurado akong magpang-abot ang lahat ng grupo dito.

Malipas ang sampu pang minuto ay magkasunod na dumating ang pangkat nila Calyx at Dark, at dahil kumpleto ang myembro nila kaya't nakasakay agad sila sa kani-kanilang mga bangka. Sumaludo pa nga si Calyx samin na tila nang-aasar. Kainis talaga, asan na kaya yung mga yun, andun pa naman si Kate. 

Limang minuto lang din ang nakalipas ay sabay-sabay naman na dumating ang grupo ng tatlong asungot, sila Rain, Xavier, at Jake. Matapos mawala ang kanilang piring at makita nila ang kanilang bangka ay nagsipaghiyawan pa ang mga loko. 

"Asan si Kate ko?", andar na naman ni Xavier. Inirapan ko nga.

"Asan nga kasi? Ba't kayo lang tatlo dito?", kulit talaga nitong kumag na to.

"Pag ikaw di pa tumahimik, di na kita papalapitin sa Kate mo.!", balik sigaw ko sa kaniya. Kainis kasi. Napatawa naman yung iba habang si Xavier ay napakamot na lang sa kaniyang batok.

"Andito na sila!", biglang sigaw nitong isa naming kasama. Napalingon naman agad ako sa may bukana at nakita ko nga ang mga kasamahan namin na nakahanay at hawak balikat na nangangapa sa kanilang paglalakad.

Pero teka, ba't si Kate na yang nasa unahan? Diba nasa may hulihan sila ni Chris kanina?

"Buti at may pakinabang naman pala.", rinig ko naman na saad nitong kapatid ko habang nakatingin din sa paparating. Napailing na lang ako. Ba't kaya inis tong kapatid ko kay Kate?

Nang matanggal na ang kani-kanilang mga piring ay masaya naman silang nagsihiyawan kahit tila pagod. Napangiti na lang din ako. Kung si Kate nga ang nanguna sa kanila para makarating dito, bilang baguhan pa, ay saludo ako sa kaniya.

"Kate ko!", pasigaw na naman si Xavier habang akmang yayakapin si Kate kung di lang siya agad naagapan ni Chris. Pansin ko rin kay Chris ay parang nakasunod siya lagi kay Kate ngayon. Napalingon naman ako sa aking kapatid na napa-tss sa aking likuran habang sinimulang itulak ang aming bangka. Napabaling din ang aking paningin sa kaibigang lalaki ni Kate na parang naiinis na ngayon habang nakamasid kina Kate. Napailing na lang talaga ako. May malansa kasi akong naiisip. Hihihi...

"Ano, Xavier? Sasakay ka ba o maiwan ka na lang diyan?", biglang sigaw ni Elle. Saka ko lang din napansin na nakasakay na ang lahat sa kani-kanilang mga bangka at nagsisimula ng magpatiayon sa tubig ng lawa. Kami na lang ata ang hindi pa handa.

Mabilis namang nakasakay si Xavier. Pandilatan ba naman ni Elle, haha. Minsan nga ay nagtataka ako kung panganay nga ba itong si Xavier, para kasing mas Ate pa minsan si Elle eh.

Agad namang nagsilapitan ang aking mga ka-pangkat at isa-isa na kaming nagsisakayan. May kalakihan din naman kasi ang bangkang ito na pwede ang labindalawang tao. 

Nang handa na ang lahat ay sinimulan nang magsagwan nila Chris at Blaze. Dalawa lang din kasi ang sagwan sa bawat bangka. Nasa magkabilang dulo naman sila ng bangka habang katabi ko si Kuya at magkatabi sila Chris at Kate. Magkaharap namang nakaupo ang anim pa naming kasama, tatlo sa bawat panig.

Tahimik lang kaming naglalayag habang nagmamasid sa paligid. Ang tahimik nga eh, bawat pagsagwan lang ang naririnig. Malapit na rin kasing magtakipsilim. Kita na nga dito ang unti-unting pagkawala ng sinag ng araw. Maaliwalas naman ang kalangitan, kaya't siguradong di uulan ngayon.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon