Mageia XXXVI: Ang Ikalawang Pagsubok

84 6 0
                                    

Kate's POV:

Nagising ako sa isang malambot na higaan. Nang igala ko ang aking paningin ay pamilyar sa akin ang buong silid, ngunit hindi ito ang aking silid sa akademia.

Tama, naalala ko na. Ito din yung silid na hinigaan ko nung nakaraang panaginip, kaya't sigurado ako sa aking hinuha na andito na naman ako sa paraiso ng mga gabay-diwa. At dahil sabik na akong makitang muli ang mga magaganda at gugwapo kong ate at kuya ay nagmamadali akong bumangon para lumabas ng silid.

At sa pagbukas ko ng pinto ay may nakabungguan ako.

"Aiyo.!"   "Aray.!" Magkasabayan pa naming sabi.

Nang ito'y aking tingalain ay nakasimangot na mukha na naman ni ibon ang aking nabungaran.

"Pss. Ang baguhang Aurora na naman pala.", paismid pa nitong sabi.

"Oh, ano ngayon?", ganti ko din dito saka ko siya iniwan at nagpatuloy na sa paglalakad para hanapin ang iba.

"Ba't andito ka na naman ba?", wika pa nito habang nakasunod sa akin.

"Aba malay ko."

"Tss. Ang sabihin mo ay nagugustuhan mo na dito sa aming paraiso kaya ka balik ng balik.", maangas pa niyang sagot. Binubwesit talaga ako nitong ibon na to. Di ko na lang siya pinansin at tinahak ko na ang hagdanan pababa.

May naririnig akong nagtatawanan sa may labas kaya agad ko naman itong tinungo. Di nga ako nagkamali dahil andun silang lahat nakaupo sa lupa sa lilim ng isang puno. Tantiya ko ay hapon na dito ngayon, di na kasi masakit sa balat ang init ng araw. 

"Auie.!", gulat na saad ni ate Ae nang mamataan niya akong papalapit sa kanila. Nagsilingunan naman silang lahat pagkarinig sa pangalan ko.

Tinakbo ko ang aming pagitan at agad silang niyakap isa-isa.

"Kung makayakap naman parang ilang taong di nagkita. Psss.", rinig ko na namang saad ni ibon.

"Paki mo ba? Inggit ka lang dahil di kita niyakap.", ganti ko ulit sa kaniya. Natawa naman ang aming mga kasama na mas lalo pa niyang ikinainis.

"Kayo talagang dalawa, lagi na lang kayong nagkakasagutan. Kailan ba kayo magkakasundo, ha?", natatawa pang tanong ni ate Es.

"Malabo.", maikling saad ni ibon.

"Hay naku, ate Es. Kahit wag na.", di naman paawat kong sagot na mas lalo pa nilang ikinatuwa.

"Nga pala, mga ate. Matanong ko lang. Bakit ba lagi akong nananaginip sa inyo? Di ko tuloy mawari kung totoo ba ito o sadyang bunga lang ng aking imahinasyon.", mayamaya ay di ko mapigilang tanong sa kanila.

Napangiti muna silang lahat sa akin, pero syempre maliban kay ibon na nakakrus ang mga braso sa dibdib habang nakasandal sa puno.

"Ganito kasi yan, Auie. Kapag natutulog ang isang nilalang, malayang nakakalakbay sa kahit saang dimensiyon ang iyong pnevma (spirit). May iba na kusang napupunta sa isang lugar dahil kagustuhan niya, may iba naman na ang lugar mismo ang humihila sa kanila, at meron ding hinihila papunta sa isang lugar dahil sa kagagawan ng iba.", napatango naman ako sa sinabi ni ate Una.

"Sa kaso mo, ay nagkahalo-halo yata ang tatlo." Kunot-noo naman akong napabaling kay kuya Os.

"Paanong halo-halo?"

"Kasi nung una ay ang paraisong ito mismo ang tumawag sa pnevma mo kaya ka napunta dito. Nung araw naman na may iniregalo kami sayo ay kami naman ang tumawag para mapunta ka dito-"

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon