Nemi's POV:
Binalak ko sana kanina na magtungo sa itaas na bahagi nitong barko para malaman kung ano ang nagyayari, nguni't di ako nakalabas dahil nilagyan nila ng mahika ang pintuan. Pabalik na ako sa aming silid nang maaninag ko si Kate sa di-kalayuang sulok. Walang lingon-likod niyang tinahak ang daan papasok sa kanilang silid. Tila ba siya'y nagmamadali.
Saan kaya siya galing?
Dahan-dahan naman akong sumunod sa kaniya at sinubukan ko siyang silipin sa loob ng kanilang silid pero nakahiga na siya at parang tulog. Isinara ko na lang muli ang pintuan at tinungo na rin ang aming silid.
Tinuring kong kaibigan si Kate nguni't nitong mga nakaraang araw ay halos nasa kaniya na ang atensiyong ninanais ko, kung kaya't unti-unti akong namumuhi sa kaniya. Di ko alam kung sinasadya ba niyang mapalapit sa kanila o ano. Basta't di ko ito nagugustuhan.
Kinalma ko na muna ang aking sarili saka ako nagtungo pabalik sa aking silid.
Kate's POV:
Heraluna? What da heck. Sa'n ko naman nakuha ang pangalang yun? Lol. Pero bahala na.
Pagkabalik ko sa loob kanina ay agad din akong pumasok sa aming silid. Tsamba naman na wala dito sina Leah at Elle. Siguro ay nangangapit-silid ang dalawang yun. Lol.
Nagbihis na muna ako saka nahiga. Isinuot ko din muli iyong itim na gloves, namumula na naman kasi ang aking mga kamay. Di ko pa din talaga maintindihan kung bakit mamumula ito pagkatapos kung gumamit ng kapangyarihan. May kaugnayan din ba ito sa mga nangyayari sa akin? Haay. Siguro nga.
Medyo nakaramdam na ako ng pagod kung kaya't sinubukan ko na munang ipikit ang aking mga mata. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang mahinang pagbukas at pagsara ng pintuan, nguni't alam kong hindi sina Leah ito. Di ko na lamang siya pinansin at itinuloy ko na ang aking pagtulog. Siguro naman ay may gigising sa akin mamaya kapag nakarating na kami sa daungan. Alangan namang iwanan nila ako dito, diba?
Leah's POV:
"Malapit na po tayo, mga binibini. Sampung minuto na lamang at nasa daungan na tayo ng Nero.", katok sa amin ng isang tauhan.
Nandito kasi kami ni Elle ngayon sa silid nina Lyn. Nang lumabas kasi si Clau kanina ay siya ding pagdating ni Elle dito, siya lang daw kasi mag-isa naiwan sa aming silid. Naabutan pa nga kami ni Clau dito pagbalik niya at siya na din ang nagkuwento sa kung ano ang mga nagyari kanina sa labas.
"Balik na muna kami sa aming silid, malapit na raw kasi tayo.", paalam ko sa kanila.
"Sige. Kita na lang tayo mamaya sa labas.", si Lyn.
"Sige.", sabay hila ko kay Elle palabas. May plano pa kasing bumalik sa paghiga.
Nang marating namin ang aming silid ay dahan-dahan ko na munang binuksan ang pintuan at bahagyang sinilip ang loob.
"O akala ko ba'y lumabas ang isang 'to? Yun ang sabi mo kanina diba?", baling ko kay Elle nang makita kong tulog si Kate sa kanyang higaan.
"Kanina pa yun. Medyo nagtagal din kaya tayo dun kina Lyn.", sagot niya saka nagpatiuna na sa pagpasok.
"Sabagay.", wika ko na lamang saka sumunod na din.
Dahan-dahan niyang niyugyog ang balikat ni Kate upang ito ay gisingin. Naupo na muna ako sa aking higaan habang nakamasid sa kanila. Nakahanda na rin naman kasi ang gamit namin. Pagdaong na lang talaga ang aming hinihintay.
"Mmm. Bababa na ba tayo?", wika ni Kate habang humihikab pang nakaupo.
"Malapit na. Iilang minuto na lang.", sagot naman ni Elle na naupo sa kaniyang tabi.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...