Mageia LXI: Heraluna

64 6 0
                                    

Leah's POV:

Nagtatakbuhang mga paa ang gumising sa akin. Pupungas-pungas naman akong bumangon at tinungo ang pintuan. Pagkabukas ko ay nakita ko ang mga tauhan ng barko na tila aligaga na nagtatakbo paakyat. Yung iba ay may dala pang lubid.

Bumukas naman yung kasunod naming pintuan at kaagad nagsilabasan mula dito sina Blaze, Dark at Calyx. 

"Anong nangyayari?", tanong ng aking kapatid nang sila ay makalapit sa akin.

"Di ko rin alam. Di ko na sila natanong kasi ang bibilis nilang nagsitakbuhan."

"Gisingin mo yung iba at sabihan mong maging alerto, nguni't huwag silang lalabas ng kanilang mga silid. Bumalik ka din dito sa silid ninyo pagkatapos mo silang sabihan. Maliwanag?", utos niya. Tumango na din ako.

Dali naman silang sumunod sa mga umakyat habang ako naman ay agad na lumabas ng aming silid upang katukin ko yung iba pa. Ano ba kasing meron?

Kate's POV:

Nagising ako dahil sa malakas na kalabog ng pintuan. Napansin ko naman agad na wala na si Leah sa kaniyang higaan. Siguro ay siya yung lumabas. Pero bakit naman napalakas ang pagsara niya sa pinto? May nangyari kaya?

Bumangon ako saka napatingin sa orasang nakapatong sa mesang nasa gilid. Malapit na palang mag-uumaga. Quarter to 3:00 am na kasi. Straight pala ang naging pagtulog ko simula nung humiga ako kahapon? Himala at di ako nakaramdam ng gutom.

Na kay Elle, na mahimbing pa ring natutulog, ang aking paningin nang maramdaman kong mas lumamig pa ang ihip ng hangin. Pinapakiramdaman ko naman ang paligid nang tila kinutuban ako ng kakaiba.

Nang may maulinigan akong pagsigaw mula sa itaas ay agad na akong tumayo at napagpasiyahang lumabas. Dali kong tinungo ang hagdanan at umakyat.

Naabutan ko ang mga tauhan nitong barko na abalang-abala sa pagsasaayos ng mga layag. Tali dito, tali doon ang kanilang ginagawa. Habang iyong kapitan naman ang kumukontrol ngayon sa manibela ng barko at siya pala yung narinig kong sumigaw kanina dahil panay din ang sigaw niya ngayon sa kaniyang mga tauhan, tila ba nagsasabi kung ano ang dapat gawin.

Sa unahan naman ay nakita ko yung tatlong prinsipe na nakatayo at ang tingin ay nasa malayo. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at nakikitingin na din sa kung ano ba ang meron.

Gayun na lamang ang aking pagkagulat nang mamataan ko mula sa unahan ang isang buhawi. Isang malaking buhawi na mula sa dagat at abot sa ulap. Sa laki at lakas nitong dala ay siguradong hindi kakayanin nitong barko kung sakali mang higupin kami nito.

Paanong nagkaroon ng ganyan kalaking buhawi riyan kung ganito ka linaw ang dagat na dinadaanan namin dito banda?

Mga isandaang metro na lang yata ang layo namin mula rito. Nahihirapang kalabanin ng mga layag ang ihip ng hangin kung kaya't tuloy-tuloy pa rin ang naging takbo ng barko patungo sa kinaroroonan ng buhawi.

Pansin ko naman na tila may hati ang dagat sa bandang unahan. Kung dito ay sobrang linaw, sa gawi naman roon ay tila naging galit ang dagat. Medyo malalaki ang mga alon na tila ba nakahandang kami ay salubungin. 

"Wala ba tayong pwedeng gawin?", si Dark.

"Alam niyong walang silbe ang kapangyarihan ko sa lugar na ito.", si Blaze. "Calyx, subukan mong kontrolin ang hangin. Tulungan mo silang mailihis ng daan itong barko.", baling niya kay Calyx.

"Sige. Susubukan ko.", wika naman ng huli saka siya pumikit at pinalutang ang kaniyang sarili patungo sa isang poste ng layag sa itaas.

Tsk. May magagawa naman pala ba't hindi pa agad kumilos kanina

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon