Mageia LXXIV: Lunas at Pagsisinungaling

66 4 0
                                    

Elle's POV:

"Ti synevi se aftous? ", salubong sa amin ng maliit na tinig.

(Translation: What happened to them?)

Nang tingnan ko ito ay napangiti ako ng makita ko ang bunsong kapatid nila Leah. Pero teka? Ba't andito ang isang 'to? 

"Ba't gising ka pa?", tanong ni Clau na naunang lumapit dito.

"Ti synevi se aftous? ", muling tanong nito na tila binalewala ang kaharap. Nakatuon kasi ang paningin nito sa walang malay na sina Leah at Kate na ngayo'y buhat-buhat nina Dark at Chris.

"Min xekinisete tis erotiseis sas. Bumalik ka na sa iyong kwarto at matulog.", wika naman ni Dark saka lumakad muli.

(Translation: Don't start your questions.)

"Mag-uumaga na po kaya't gising na ako. Kayo yata ang di natulog."

Muntik pa akong napatawa dahil sa sagot nito. Si Clau naman ay saglit napatahimik at mayamaya'y napapailing na lamang na lumakad muli pasunod kina Dark.

Nang makalapit ako sa bata ay kaagad ko siyang hinawakan sa kaniyang kamay saka inakay pasunod sa aking mga kasama. Taka pa nga itong napatingin sa akin na sinuklian ko naman ng matamis na ngiti. Di naman siya umangal at nagpatiayon na lamang.

Pagkarating namin sa kanilang silid pagamutan ay kaagad na inihiga nila sina Leah at Kate. Inasikaso naman ito agad ng mga katiwalang nakasunod sa amin. Sakto ring pagpasok ng manggagamot at ng kaniyang mga katiwala. Pinatawag kasi ito agad kanina ni Dark pagkarating namin sa bukana ng palasyo.

"Anong nangyari? Nasaan si Leah?", tinig sa labas nitong silid kasabay ng mga nagmamadaling yapak.

Kasunod nito ay ang pagpasok ng hari't reyna ng fotia, sina haring Romulos at reyna Diana. Mukhang kakagising lang din ng mga ito. Agad nilang nilapitan ang walang malay na si Leah. Si Helios naman ay bumitaw sa aking pagkakahawak saka lumapit na din sa kanila.

"Kumusta na siya? Anong lagay niya?", tanong ng reyna sa manggagamot na patuloy sinusuri ang mga palad ni Leah.

"Mataas ang kaniyang temperatura kanina pero unti-unti na rin naman itong bumaba. Nguni't di ko lang mawari kung bakit tila may sunog sa kaniyang palad. Di rin ako sigurado kung kaagad ba itong malulunasan ng kahit na anong pamahid."

Nanlumo naman ang reyna sa narinig na ito.

"Una ay si Blaze ngayon naman ay si Leah. Ano na bang nangyayari?", maluha-luhang turan ng reyna. Kaagad namang umalalay sa kaniya ang hari.

"Iyang kasama ni Leah, kumusta na rin siya?", tanong naman ni haring Romulos.

Napabaling tuloy ang aking paningin sa gawi ni Kate na ngayo'y pinupunasan ng katiwala sa may noo nito.

"Mukhang naubusan din siya ng lakas dahilan para siya ay mawalan ng malay.", wika naman nung babae.

"Teka, maaari bang may magsabi sa amin kung ano ang nangyari at nagkaganiyan ang mga kasamahan ninyo?", baling naman ng hari sa amin.

Nguni't bago pa man may makapagsalita isa sa amin, ay mga nagmamadaling yapak na naman ang naririnig namin mula sa labas nitong silid.

"Mga kamahalan!", magkasabay na wika ng dalawang kawal sabay yuko. 

"Magandang balita po!", wika ng isa.

"Masamang balita!", wika naman nung isa.

"Teka, teka. Isa-isa lang muna.", reklamo ni haring Romulos. 

"Magandang balita, mahal na hari. Hindi na po muling pumutok ang bulkan.", patuloy nung isa.

"Sigurado na ba yan?"

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon