Jude's POV:
" Nahanap mo na ba siya?", bungad kong tanong kay Mia nang makalapit na siya sa akin.
" Hindi pa nga, eh. Wala pa rin ba dito?", balik niya ring tanong habang panay ang linga sa paligid.
" Hahanapin ko ba siya sa'yo kung andito na?", asar-biro ko sa kaniya na ikinataas ng kaniyang kilay.
" Huwag mo akong simulan, Andrew E. Kita mo na nga'ng nag-aalala na ako dito.".
" Saan ba kasi nagsususuot yung babaeng yun? Akala ko ba magkasama kayo?", seryoso kong tanong sa kaniya.
" Ewan. Pinauna ko lang yun kanina sa pagpasok ng klase pero pagdating ko ay wala akong Kate na naratnan dun. Pasalamat na lang talaga siya at kinansela ang mga klase dahil sa genikí synántisi ( general meeting ) ng lahat ng mga estudyante ngayon, kundi lagot na naman siya kay kyrios Cecilia.", saad nito na panay linga na naman sa paligid baka sakaling mamataan si Kate.
Andito kasi kami ngayon sa may aithousa para sa naturang pagpupulong ng lahat. Mabuti na lamang at di pa kumpleto ang mga kyrios sa may entablado sa harap kaya di pa nagsisimula. Baka makahabol pa si Kate. Yun nga lang, nasaan pa kaya ang babaeng yun?
" Ikaw na muna ang mag-antay dito, ako naman ang maghahanap sa kaniya sa may labas.", mungkahi ko kay Mia.
" Sige, sige.", tango niya habang abala pa rin sa paglinga. Iniwan ko na siya doon at lumabas ako.
Nasaan ka ba, Kate? Wala ka naman siguro sa panganib, diba? Haay, ikaw talagang babae ka. Ang hilig mo talagang magpakaba at magbigay sa amin ng alalahanin.
Nagsimula na akong maglakad para siya ay mahanap bago pa magsimula ang pagpupulong.
Kate's POV:
Haay sa wakas at nakalabas din ako. Nawala pa ata ako sa loob ng maze na iyon. Ang dami naman kasing pasikut-sikot, eh. Sabagay, maze nga, diba? Di na yan magiging maze kung madaling pasukin at labasan.
Patakbo akong nagtungo sa dapat ay una naming klase. Nang marating ko ito ay nakapinid talaga ang pinto. Kinakabahan man ay kinatok ko pa rin ito. Sabi nga nila, better late than never, diba?
Pero nakailang katok na ako ay wala pa ring nagbukas o sumigaw man lang. Idinikit ko ang aking teynga sa pinto para pakinggan ang nasa loob pero wala akong narinig na kahit kaluskos. Sinubukan kong buksan ang seradura at napagtanto kong di naman pala naka-lock kaya pumasok na ako.
Ngunit pagtataka lamang ang aking napala dahil wala namang tao dito ni isa.
Asan na sila? Inabot ba talaga ako ng isa't kalahating oras dun at tapos na ang unang klase ko? Imposible naman ata.
Naguguluhan man ay lumabas na ako ng silid na iyon at sinubukang puntahan ang ikalawa kong klase, ang vasikés xórkia ( basic spells ) na ika-sampung pinto mula dito. Kumatok ako ng tatlong ulit bago ko ito binuksan at ganun rin ang aking naabutan, walang tao kahit isa.
Lumabas ulit ako at tinungo ang bungad ng gusali at mariing napaisip kung nasaan ang aking mga kaklase. Saka ko pa lang napansin na walang ni isang estudyante ang naglalakad kahit saang panig ng akademya.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasíaDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...