Mageia XXII: Pagpili ng mga Kalahok

90 4 0
                                    

Kate's POV:

Napalingon naman sa akin si Lolo at napatango. Siniko naman ako ni Mia.

"Kilala mo na siya?",may pagtataka niyang tanong.

"Eehh, kanina kasi, natamaan siya ng batong nasipa ko. Ayun, nagkausap kami. Pero di ko naman alam na siya pala si head master natin.", pabulong kong sagot kay Mia.

"Kate naman, di ka na talaga nag-ingat. Siya pa talaga ang nadale mo? Buti at di ka pinagalitan. At isa pa, kefali kyrios hindi head master. Marinig ka pa niyan ng iba, eh. Mag-ingat ka naman. Malalagot tayo niyan, eh.",pabulong naman niyang sermon sakin.

Di ko na siya sinagot pang muli at baka humaba pa ang usapan namin. 

"Mga mahal kong foititis (estudyante), ipagpaumanhin niyo ang matagal kong pagbalik dito sa akademya. May nilakad lang akong importante. Pero wag kayong mag-alala dahil sabay nating ipagdiriwang ang imera themeliosis ng ating akademya. At susubaybay ako sa taunang epilogi. Kaya't galingan niyong lahat lalo pa't darating din para sumaksi sa mga kaganapang ito ang lahat ng hari at reyna ng mageia.", saad ni Lolo sa harapan. 

Kung ganun pala, ay makikita ko na lahat ng mga namumuno sa mundong ito. Ang galing naman. Sana suot nila yung mga damit na panghari at reyna para mas bongga. Ang ganda sigurong tingnan. Wohoo, excited na ako. Napangiti na lang ako sa aking naiisip.

"Ba't ka nangingiti mag-isa? Para kang baliw diyan.", siko naman sakin ni Jude. 

"Huwag ka nga'ng magulo.", siko ko naman sa kaniya. Ang hilig talagang mambasag ng trip nitong si bestie. Di ko na rin siya pinansin at tumutok muli sa harap.

"Hindi na natin papatagalin ito. Simulan na natin ang pagpili sa limampung kalahok ngayong taon.", dagdag pa ni Lolo saka sinenyasan si kyrios Santi. 

Pumunta naman agad ito sa gitna habang si Lolo head master naman ay naupo sa pinakagitna. Nanatili namang nakatayo sa may gilid sina Lyn at ang mga prinsipe.

"Nasasabik na ba kayo?", tanong ni kyrios Santi na dumadagundong sa buong auditorium, ay sa buong aithousa pala. Ang galing lang dahil kahit wala silang microphone ay dinig na dinig ng lahat ang bawat salita nila diyan sa may entablado.

"Bessy, panung naririnig sila ng lahat kahit walang gamit na mic?", bulong ko kay Mia. Kunot-noo naman siyang napalingon sa akin.

"Kate, wala tayo sa mundo ng mga tao para gumamit ng ganun. Isa yan sa mga kakayahan ni kyrios Santi, ang pagmamanipula sa kahit na anong tunog. Kaya siya palagi ang ginagawang tagapagsalita pag may mga ganitong kaganapan." 

Napatango naman ako sa sagot niya. Kakaiba nga pala ang mundong ito, lahat na lang gawa sa magic. Pa'no na lang kaya pag biglaang mawala ang magic? Huwag naman sana.

"Gaya ng ating nakagawian, bawat kyrios ay pipili ng kani-kanilang pambato na isasali sa paligsahan. At dahil mayroon tayong tatlumpong kyrios, nangangahulugan lamang ito na tatlumpo rin ang naunang mapipili.", saad ni kyrios Santi. 

Kung ganun pala ay sigurado na ang pagsali ng mga estudyanteng paborito ng mga guro dito. Ang unfair naman niyan, pero no choice. Sino kaya ang pinili ng sýmvoulos geniá (clan adviser) naming si kyrios Cecilia?

"At lahat ng mga napili nila ay mga estudyanteng nasa antas ng prochorimenos at mathitevomenos na nagmumula sa iba't-ibang fyli (clan). Siyempre, alam na nila na pinili sila. Kaya't lahat ng mga napili ay humanay na ngayundin sa ibaba ng entablado.", patuloy pa ni kyrios Santi. 

Isa-isa namang nagsipuntahan sa harap ang mga napili. Base sa kanilang tindig at aura, masasabi kong malalakas ang mga ito lalo pa't nasa antas na sila ng advanced at apprentices. At napansin kong kasama sa kanila ang lahat ng miyembro ng skouro angelon, ang grupo nila Melissa.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon