Mageia LXXXIX: Susi

59 3 0
                                    

Artemis' POV:

"Pwede bang maupo ka na muna? Nahihilo na kaya ako kakatingin sa'yo.", reklamo nitong si Azul kaya't naupo na rin ako sa silyang paharap sa kaniya. 

Kanina pa kasi akong di mapakali. Nang malaman ko kaninang umalis si Kate at nagpunta sa palasyo nina Jake ay palihim namin siyang sinundan kaya't nasaksihan din namin ang lahat ng mga nangyari doon.

"Nag-aalala lamang ako kay Kate. Ni hindi na natin alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya doon sa kentro vaseilio ngayon.", nababahala kung saad.

"Eh kasi naman ayaw mo pang sumunod tayo sa kanila. Tapos ngayon ay mamomroblema ka riyan.", may himig pagtatampong wika niya. 

"Sinabi ko namang delikado, diba? Mahigpit ang seguridad sa kahariang iyon. Hindi ka basta-bastang makakapasok ng walang pahintulot. Oo nga't walang problema sa akin iyon subali't kapag nahuli tayo ay mahihirapan tayong magpaliwanag lalo pa't di naman nila ako kilala. Baka mas lalo lamang malalagay sa delikadong sitwasyon si Kate."

Totoo naman kasing kayang-kaya kong pasukin kahit gaano pa kahigpit ang bantay nila nguni't mas iniisip ko kung paano kapag nakadagdag lamang kami sa kanilang mga pagdududa laban kay Kate lalo pa't wala namang nakakakilala sa akin doon kahit isa.

Sa pagkakataong ito mukhang kailangan ko ng humingi ng tulong sa aking kyrios.

"Saan ang iyong punta?", biglang tanong ni Azul habang mahigpit na nakakapit sa aking damit nang ako ay tumayong muli. Para talagang bata.

"Kakausapin ko si kyrios upang humingi ng tulong."

"Kyrios? Sinong kyrios? Sasama ako."

Di na rin ako nagreklamo pa. Di naman pwedeng iwanan ko ang isang ito. Baka pagalitan pa ako ni Kate kapag iwanan ko ang kaniyang alaga.



Kate's POV:

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng hari at ng reyna. Mali pala. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng lahat. 

Matapos ang malakas na pagyanig ng buong palasyo kanina ay pinabalik kaming lahat sa loob. At sanhi nung mga salitang binitawan ni Nemi ay kaagad akong pinalibutan ng mga kawal sa utos nitong mga megalon.

Babaeng isinumpa. Naniniwala ba sila sa sinabing ito ni Nemi? 

Inilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Mapanuring titig ng hari, mapanghusgang mga mata ng mga megalon agion, at puno ng pagdududang mga tingin mula sa aking mga kaibigan. Napabuntong-hininga na muna ako saka ko ibinalik sa harapan ang aking paningin at nakasalubong ng aking paningin ang malalim na titig ng reyna. Pero nakapagtataka na mula sa kaniyang mga mata ay nakikita ko ang pag-aalala. Nang ngumiti siya ng bahagya sa akin ay sinuklian ko na lamang ito ng tango. Baka kasi ano na naman ang sabihin ng iba.

"Kate ang iyong pangalan, tama ba?", tanong ng hari kaya't ibinaling ko agad sa kaniya ang aking paningin.

"Opo, kamahalan.", magalang nguni't may halong inis na sagot ko.

"Balita ko ay bago ka pa lang daw nilang nakilala sa akademya nung tahimik pa ang lahat. Maaari ko bang malaman kung sino ang iyong mga magulang at kung saan ka nagmula?"

Bagama't normal naman ang tono ng kaniyang pagtatanong ay mahihimigan ko naman mula dito ang kaniyang pagdududa. Ganoon na ba kalaki ang tiwala nila sa mga binitawang salita ni Nemi? At si Nemi, anong nangyari sa kaniya? Ba't parang iba na ang trato niya ngayon sa akin?

"Kate Epistrofes po ang aking buong pagalan. Bago nga lang po ako sa akademya dahil mula pagkabata ay ang aking ina lamang ang siyang nagtuturo sa akin sa mga dapat kong malaman. Nakatira kami sa isang kubo na nasasakupan ng kahariang Gi kasama ang aking pinsan. At simula nung pagpasok ko sa akademya ay doon ko na rin po naranasan ang kakaibang mga pangyayari gaya nila.", deretsong wika ko habang nakatingin sa mga mata ng hari.

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon