Blaze's POV:
Dumaan ang buong gabi na hindi ako gaanong nakatulog. Lumilipad ang aking isipan nguni't hanggang ngayon ay wala akong nabuong solusyon. Hindi ko rin nakausap pang muli si Chris matapos niyang ihatid si Kate kahapon sa kulungan nito. Batid kong naging abala ang isang iyon sa kakausap sa kaniyang mga magulang ng tungkol kay Kate. Alam ko kasing kahit na siya ang nakatuklas sa katauhan nito bilang si Heraluna, ay tulad ko hindi rin siya naniniwalang kalaban si Kate.
"Adelfos.", tawag mula sa aking likuran. Nasa may hardin kasi ako ngayon at nagpapahangin matapos ang agahan.
"Mmm.", sagot ko na hindi na siya inabalang lingunin pa. Alam ko naman kasing si Leah ito.
"Nagbalik na si Dark. Dala na niya iyong tatlong bihag. Nasa may bulwagan sila ng hari kasama iyong iba pa."
"Sige. Mauna ka na dun. Susunod na lang ako.", wika ko matapos ang isang buntong-hininga.
Hindi na siya nagsalita pa nguni't hindi rin naman siya umalis agad. Alam kong may hindi pa sinasabi ang kapatid kong ito.
"Ano pang meron?", tanong ko habang nanatili ang aking paningin sa puno sa di kalayuan.
"Ah k-kasi, mukhang mas matindi ang magiging pagpupulong ngayon. P-pinatawag kasi ng hari ang symvoulio tou chaous.", mahina niyang sagot sapat upang aking marinig.
(Translation: symvoulio tou chaous - council of chaos)
Agad akong napaharap sa kaniya nang marinig ito. Kung totoo mang kasama sa pagpupulong ngayon ang pinakamataas na symvoulio sa lahat ng kaharian dito sa mageia, tiyak kong mas malalagay sa panganib si Kate. Ang pangkat na ito ang namamahala sa kapayapaan ng buong mageia at pati ang hari ay minsanan lang kumontra sa mga nais nito lalo na't para sa katiwasayan ng bawat kaharian.
"Naniniwala ka rin bang masama si Kate? Na kalaban siya?", biglang tanong ko kay Leah.
Hindi agad siya nakasagot nguni't ang kaniyang mga mata ay naging malikot na tila hindi mapalagay.
"Kaibigan ko siya. Naging malapit na siya sa atin mula nung makilala natin siya sa akademya. Nguni't, totoong may kahina-hinala sa kaniyang pagkatao na di natin pwedeng balewalain lalo na't maaaring apektado nito ang ating mundo."
Mataas ang kaniyang naging paliwanag nguni't di nito sinagot ang aking katanungan.
"Naniniwala ka bang masama siya?", muling tanong ko na may diin.
"Hindi ko alam. Naguguluhan ako, Blaze. May parte sa akin na gusto kong paniwalaan si Kate, na hindi siya kalaban. Pero may parte rin sa akin ang kumukontra.", wika niya matapos ang isang buntong-hininga.
"Sige na, mauna ka na dun.", wika ko sabay talikod muli sa kaniya.
Hindi naman na siya nagsalita pa at umalis na din lamang. Naiwan akong nakatitig na naman sa puno na para bang dito ko makikita ang kasagutan sa mga problemang ito. Isang buntong-hininga pa ang aking pinakawalan saka ako nagdesisyong sumunod kay Leah.
Kate's POV:
Dalawang kawal ang sumundo sa akin sa kulungan at ngayon ay tinatahak namin ang daan papasok ng palasyo. Di na rin ako nagtanong kung anong meron dahil batid kong di rin naman ako sasagutin ng dalawang ito.
Nakakadena ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Natatawa nga ako sa aking hitsura ngayon dahil daig ko pa ang kriminal sa mundo ng mga tao. Mapait na lamang akong napangiti habang pinagmamasdan ang daan.
BINABASA MO ANG
MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong Alamat
FantasyDalawang magkaparehong pangalan. Magkaibang pagkatao. May nagpakatotoo at may nagkukunwari. Kabutihang sinuklian ng kalupitan. Kalupitang naging sanhi ng pagbabago. At pagbabagong kokontrol sa kapalaran. _______________________ Sa mundo ng Mageia, m...