Mageia LXIV: Huwad na Katotohanan

65 6 0
                                    

Leah's POV:

Ako na ang nagprisentang magpaiwan dito sa silid na tinutuluyan ni Kate. Mapayapa siya ngayong natutulog sa malaking kama na andito. Kakalabas lang din ng manggagamot na tumingin sa kanila ni Clau. Si Clau naman ay nandoon sa silid ng reyna at binabantayan ng kaniyang ina. At yung iba ay nagpapahinga na din muna sa kani-kanilang mga silid na tinutuluyan.

Mga tatlong oras na din mula nung nakabalik kami dito sa palasyo. At mula kanina ay di pa rin kami mapakali dahil nanatiling tulog sina Clau at Kate. Maging ang hari at reyna ay nag-aalala na din. Mas lalong wala kaming kaalam-alam sa kung ano nga ba ang nangyari doon sa loob ng kweba at kung paano naibalik sa normal ang kulay ng tubig na umaagos dito sa Nero.

Grabe ang naging kaba namin kanina nung halos buong ilog sa itaas na ang nagkulay pula at iilang dangkal na lang ay babagsak na iyon sa talon. Kaya't labis ang naging tuwa namin nang bago pa man ito tuluyang umagos sa talon paibaba ay unti-unting umatras ang kulay nitong pula hanggang sa tuluyan ng bumalik sa normal ang kulay ng tubig.

Kasabay nun ay ang paglaho ng harang sa lagusan ng kweba kung kaya't halos mag-unahan kami sa pagpasok. Ni hindi na nga namin namalayan na may mga bagong dating pala sa aming kasamahan at kasunod namin silang nakikitakbo papasok ng kweba. 

Naputol ang aking pagmumuni-muni nang marinig ko ang langitngit ng pintuan sa aking likuran, hudyat na may papasok.

"Gising na ba siya?", si Chris na dumungaw sa pintuan. Tanging iling lamang ang naisagot ko sa kaniya at muli ko ng ibinaling kay Kate ang aking paningin. Tuluyan naman siyang pumasok at naupo na rin sa silyang nasa kabilang gilid ni Kate.

Sila nina Alex at Rain ang tinutukoy ko kanina na mga bagong dating. Tanda ko pa sa aking isipan kung gaano siyang nag-alala kanina nung malaman niyang kasama ni Clau si Kate sa loob ng kweba nguni't di namin sila makita sa loob. Nang maisip namin na baka nasa ilalim ng sagradong tubig ang dalawang hinahanap namin ay walang pag-alinlangan siyang tumalon sa tubig kasabay si Rain. Pati nga sana si Blaze ay tatalon sa tubig nguni't naudlot ito ng hawakan ni Nemi ang kaniyang braso. Ramdam ko kanina ang inis niya nang hawakan siya nito nguni't ang di ko lang maintindihan ay kung bakit nagpapigil din siya. Anong meron sa kanila ni Nemi?

"Nasaan nga pala si Blaze? Nais ko sana siyang makausap.", pukaw ni Chris sa aking pag-iisip.

"Baka nasa silid niya nagpapahinga?", di rin siguradong tugon ko. 

"Mmm. Pwede mo ba siyang masabihan na may pag-uusapan kaming importante? Magkikita na lamang kami sa silid-aklatan."

Napakunot naman ang aking noo sa sinabi niya. 

Inuutusan ba ako nitong lalaking 'to? 

Pero dahil wala ako sa kondisyon makipagbangayan ngayon at gusto ko ring kausapin ang aking kapatid ay tumango na lang din ako saka tumayo.

"Pero paano si Kate?", tanong ko habang lumapit sa tulog ko pang kaibigan.

"Ako na muna ang bahala dito."

"Sige. Huwag mo siyang iwan ha. Babalik ako.", paalam ko sa kaniya saka ko tinungo ang pintuan. Sana lang talaga mahanap ko agad ang kapatid kong iyon. 



Chris' POV:

Ilang minuto mula ng lumabas si Leah ay siya ring pagpasok ng aking kakambal. Nanatili siyang tahimik habang naupo sa silyang kinauupuan ni Leah kanina.

"Anong plano mo?", mayamaya ay tanong niya. Di na muna ako umimik at nanatili kay Kate ang aking paningin.

"Susundin ba natin ang utos ni Ina? Dadalhin na ba natin siya ngayon sa palasyo?", muli ay tanong niya. 

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon