Mageia LXXXIII: Lason

64 5 0
                                    

Alexander's POV:

Ilang araw na rin mula nung dumating kami dito sa aming kaharian, ang kentro vasileio. Naipakilala ko na rin si Nemi kina ama't ina at dama ko ang labis na kaligayahan ng aking mga magulang, lalo na ng aking ama. 

Ang hindi ko lang maintindihan ay si ina at si pappous Ruvalon. Nitong mga nakaraang araw ay tila hindi nila masyadong kinakausap si Nemi. Palaging si ama ang kasa-kasama ng aking kapatid. Maski si Nemi ay hindi rin gaanong nilalapitan ang aming ina. Hindi ko maintindihan kung bakit. At ito namang kakambal ko na si Chris ay hindi ko rin mahagilap sa buong palasyo. Duda ko ay umalis na naman ang isang iyon.

(Translation: pappous = grandfather)

Makapag-ensayo na nga lang. Mas mabuti pa itong espada ko ay maiintindihan ko pa.



Nemi's POV:

Walang lingon-likod kung sinusundan itong isang utusan ng palasyo papuntang likurang bahagi nitong gusali ng silid-aklatan. Nang maghatid kasi siya kanina ng maiinom sa amin ni amang hari ay pansin ko ang kaniyang makahulugang ngiti at tila pamilyar siya sa akin. Kaya't agad ko siyang sinundan palabas. Buti na lamang at may kawal ding kinausap si ama kaya't di na niya pinansin ang biglaan kong pag-alis.

Nang masigurong nasa tagong bahagi na kami, ay agad kong hinila ang kaniyang braso upang maiharap sa akin ang kaniyang mukha.

"Mahal na prinsesa.", agarang pugay nito sa akin na may ngiti sa mga labi.

"Nebula?!", gulat kong tanong nang makilala kung sino ito.

"Ako nga mahal na prinsesa. Nagagalak akong makita kayong muli at nakapasok na rin dito sa palasyo. Ilang araw ko na ring hinihintay ang iyong pagdating. Buti naman at nagkita na tayo.", wika nito matapos yumukod.

Si Nebula nga. Kung hindi ako nagkakamali ay isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ng aking ina, ang tunay kong ina. Ibig niyang sabihin ay nauna pa siya sakin dito? 

"Paano ka nakapasok dito? Ang alam ko ay hindi basta-bastang nakakapasok dito ang mga estranghero.", naguguluhan kong tanong. Ano na naman kayang binabalak ni ina?

"Huwag mo na iyong isipin, mahal na prinsesa. Ang importante ay mayroon kang maaasahang iba dito sa palasyo. Pinadala ako ng reyna para siguraduhing ligtas ka."

"Para sakin o para sa kaniyang mga plano?", putol ko.

"Parehas lang din iyon, mahal na prinsesa. Ang lahat ng ito ay para din sa kapakanan ninyo ng iyong ina."

"Pss. Kumusta na nga pala siya?", tanong ko.

"Maayos naman ang reyna at natutuwa siya sa narating mo. Pero sa ngayon kailangan mo munang mag-ingat dito sa palasyo. Hindi niyo pa nakukuha ang tagumpay. Sige, mauuna na po ako at baka may makahalata na sa atin.", wika niya saka nagmamadaling umalis. 

Hinintay ko na munang dumaan ang ilang segundo saka ako sunod na lumabas at nagtungo sa kabilang direksiyon.



Jude's POV:

Tama nga ang hinala ko. May pinaplano na naman ang aking ina. At ang mahirap pa nito ay kasabwat ang aking kapatid. Paano kaya siya napapaniwala ni ina upang sumunod sa mga pinag-uutos nito?

Nung umuwi kasi ako sa amin ay may napansin akong kakaiba kay ina at sa mga katiwala niya. Kaya't nung mapansin kong nagmamadaling umalis si Nebula ay patago ko itong sinundan. Nalaman pala nila ina na naghahanap ng mga panibagong utusan ang palasyo ng kentro vasileio kaya't inutusan nito si Nebula na magpalista. At upang mas masundan ko pa siya ay nagpalista na rin ako.  Simula nung dumating kami dito ay binantayan ko na lahat ng mga kilos niya. 

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon