Mageia XXVI: Unang Tagumpay

101 4 0
                                    

Kate's POV:

Agos ng tubig ang aking narinig dahilan para buksan ko na ang aking mga mata. 

"Nasa batis na pala tayo, Azul? May kapangyarihan ka palang mag-teleport? Ba't di natin yan ginamit kanina nung papunta tayo sa kweba? Pinagod mo pa talaga ako.", saad ko habang nakaupo sa damuhan at inilibot ang tingin.

Humarap naman siya sa akin ng nakakunot ang noo. "Anong teleport ang pinagsasabi mo diyan? Metafora ba ang ibig mong sabihin?"

Napakagat naman ako sa aking labi. Di na naman ako nag-ingat, buti na lang at si Azul lang ito. Pero di rin kaya yun nila narinig sa labas? Sana naman hindi. 

"Oo, yun na nga. May ganun ka naman pala ba't ngayon lang natin ginamit?"

"Di kasi yun ganun kadali. Maraming enerhiya ang magagamit nun na makakapagpahina sa akin kaya minsan ko lang ito ginagamit.", paliwanag naman niya habang lumapit sa aking tabi. Napatango naman ako sa kaniyang sinabi. 

Sana may ganun din ako para naman madali kong marating ang nais kong puntahan. Ang saya siguro nun.

"Natahimik ka diyan? Nangangarap ka siguro na magkaroon nito, ano? Malayo pa ang kailangan mong hakbangin at isa pa, hindi lahat ay biniyayaan ng kakayahang gaya nito kaya wag ka na lang mangarap.", putol niya sa paglalakbay ng aking diwa. 

Ang lakas ding maka-Jude nitong si Azul. Pareho silang ang lakas makabasag ng trip. Napaingos na lang din ako.

"Siyanga pala, ayos ka lang ba? Ang dami mong sugat at pasa, oh. Paano ba naman kasi, alam mong bato yun at hindi tubig, eh sumisid ka pa rin. May isda ba?", asar niya sa akin. Inirapan ko naman siya. 

"Nakikita mo na nga'ng puro dugo yung tao, may gana ka pa talagang mang-asar. Eh, kung itulak din kaya kita diyan sa batis ngayon at nang makakita ka talaga ng isda?", ganti ko naman sa kaniya na tinawanan lamang niya.

"Nakalabas na yung tatlo mong kasama. Ikaw, anong plano mo?", mayamaya ay tanong niya sa akin. Saka ko pa lang naalala ang kalagayan ko ngayon.

"Wala na, talo na ako. Maghihintay na lang ako kung kailan nila ako palalabasin dito. Di rin naman siguro nila ako iiwang nakatengga dito, ano?", malungkot kong saad saka ipinatong ang aking baba sa aking mga tuhod. Saglit naman siyang natahimik habang pinagmamasdan ako.

"O siya, huwag ka ng magdrama riyan at may ibibigay ako sa'yo.", mayamaya ay wika niya. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.

"Ngumiti ka nga muna. Di ko ito ibibigay sa'yo pag ganyang nakasimangot ka pa rin." Ang dami namang arte nitong lobong ito. 

"Ako ba'y pinagloloko mo, Azul? Baka di mo pa alam, masama akong magalit.", pabirong banta ko sa kaniya. Matiim na titig lamang ang kaniyang isinagot sa akin.

"Oo na nga, sige na. Ngingiti na.", pagsuko ko rito. Binigyan ko siya ng pagkalaki-laking ngiti na dahilan para bumunghalit siya ng tawa.

"Tama na yan, Kate. Mukha kang asong ulol.", tumatawa pa niyang sabi. Nang mahimasmasan siya ay umupo siya ng tuwid at inilapat ang kaniyang unahang kanang paa sa may tiyan at pumikit. Nagliwanag naman ito at ilang saglit pa ay may lumabas na gintong papel mula dito.

"Gintong papel? Saan mo yan nakuha, Azul? Paano yan napunta sa'yo?", mangha kong tanong sa kaniya. Nakalutang ngayon sa aming harapan ang papel.

"Nakita ko yan kanina na nagpatihulog din doon sa kweba. At dahil malapit ito sa pinagtataguan ko ay kinuha ko na muna bago kita nilapitan.", paliwanag niya sa akin.

"Pero paanong nanggaling siya diyan sa loob ng tiyan mo?", taka kong tanong.

"Nagbibiro ka ba, Ate Kate?", takang tanong naman niya. 

MAGEIA Unang Yugto: Ang Nakatagong AlamatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon