𝐒𝐮𝐩𝐞𝐫𝐖𝐨𝐦𝐚𝐧
TYRONE'S POV
Pagkatapos nag announce si Dean ng schedule ay nagharap kami ng mga kaibigan ko.
"Deretso kayo pagkauwi sa bahay ko mamaya." ani Austin. "Doon tayo mag eensayo ng kanta at sayaw para sa acquaintance party." aniya. Nginitian namin siya at tinapik sa balikat.
"Sige, salamat. See you later, bunso." sabi ni Josh. Nginitian niya lang ito at umalis.
Nagsipag-alisan narin ang estudyante sa gym kaya naman umalis narin ako doon para mag recess. Ngunit wala akong ganang kumain.
Nasilayan ko pa sa gilid ko ang pagsabay ni Seb sa akin sa paglalakad.
"Mag re-recess ka men?" tanong niya.
"Kayo na lang, wala 'kong ganang kumain." tugon ko at pinalakas ang paglalakad upang iwanan siya.
Dumiretso ako sa locker area para kunin ang triangular scale ko. Isa iyon sa mga kinakailanganan naming mga architecturer student. Ruler iyon pero parang tatlo hindi isa dahil magkakadikit. At dahil doon pa triangle ang desinyo niya kapag titignan ang top and bottom.
Nakapamulsa akong naglalakad patungo sa locker ko. Pero natigilan ako ng naroon si Dandere. Legs and arms crossed, leaning on my locker and staring at me. Look bad.
"Ba't ka nandiyan?" Inangatan ko siya ng tingin. "Umalis ka nga diyan!" pinapaalis ko siya, bahagya ko pang hinawakan ang balikat niya para itulak at mailayo sa locker ko.
Napaalis naman siya sa pagkakasandal doon at lalong tumingin ng masama sa akin.
"Anong trip mo?" taas kilay niyang tanong.
Sa unang pagkakataon nakita ko siyang magtaray at masama ang pananalita, hindi tulad dati na parang wala lang kapag nagsasalita.
"Sa alin?" kunwari hindi ko alam ang pinupunto niya.
"Kailangan ko pa bang ulitin 'yon?"
"Syempre. Hindi ko 'yon masasagot kung hindi ko alam ang tinatanong mo." sarkastiko kong tugon.
Napamaang siya at namaywang. Huminga ng malalim. "Ba't mo ko pinalista sa player ng basketball?" naiinis at galit niyang sabi. "Inaano ka ba?"
"Tumabi ka sa tabi ng locker ko na ipinagbabawal na gamitin dahil patakaran ko 'yon." tugon ko.
Nagulat siya sa isinagot ko. "Tang'na!"
Napahilamos siya sa mukha at bumuntong hininga. Sa unang pagkakataon rin ay narinig ko ang pamumura niya at parang musika 'yon sa pandinig k---
Ahhhhh! Pinag-iisip mo Tyrone.
"'Yon lang pala ang ikinagagalit mo sakin gumawa ka kaagad ng pambabawi dahil ginamit ko ang locker na nasa tabi mo lang." pinanlakihan niya ako ng mata. "At talagang maging player ng basketball pa ang ipinambawi mo."
"Oo. Bakit? Ayaw mo ba ang offer ko sayo?"
Tinignan niya lang ako ng masama, hindi siya sumagot sa tanong ko. Mas inilapit pa niya ang sarili sa akin at laking gulat ko ng damputin niya ang kwelyo ko. Natigilan talaga ako sobra at napapalunok.

YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...