𝐑𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚𝐲
AIRAH'S POV
Kakaalis lang nung Nurse na gumamot kay Katsuki. Sa kwarto sila nag operation at kami ni Zel naman ay dito sa sala.
Ginamot din ako nung Nurse pagkalabas niya sa kwarto kung nasaan ngayon si Katsuki. After nun ay umalis na nga siya.
"Ayan! Ayos na." si Zel pagkatapos suklayin ang buhok ko.
Hinarap ko siya dahil nakatalikod ako sa kanya. Inaayos na niya ngayon yung mga medicine na ginamit niya sa sugat na natamo ko. Minassage niya nga rin yung isang daliri ko sa kaliwang paa dahil natipalok nga ako kanina doon sa umbok na lupa sa may maisan. Hanggang ngayon nga ramdam ko parin yung sakit, buti nakatakbo pa ako ng maayos.
Napatingin siya sa akin kaya tumigil siya kakalagay ng medicine doon sa kit. Nakatingin lang ako ng diretso sa kanya. Gusto ko siyang tanungin. Marami akong gustong tanungin sa kanya.
"Alam na ba ni Tyrone ang tungkol sa akin?"
Umiwas siya ng paningin sa akin at mas binilisan ang paglalagay ng medicine sa kit box na iyon ng sabihin ko iyon.
"Zel..."
Paghawak ko sa pulsuhan niya ng tumayo siya at kinuha ang medice kit para umalis.
Tinignan niya ako at ako naman ay nakatingala sa kanya. "Alis na ako maaga pala tayo bukas. Siya nalang kausapin mo tungkol diyan." sabi niya at nagkalumbaba bago umalis sa harapan ko.
Napabuntong hininga naman ako ng marinig ang pagkakasara niya ng pinto.
Sobrang sakit ng mga katawan ko, pakiramdam ko naroon parin ako, nakatali at nakaupo.
Kung hindi ko ginawang tumangkang tumakas, hindi naman mangyayari sa akin yun.
Wala naman akong alam na ililigtas pala ako nina Zel at Tyrone, kung alam ko lang sana di ako tumakas, hindi nangyari sa akin 'to.
But I don't regret for what I did, I'm still proud because lumaban ako para kay Tyrone.
Ngayon hindi ko alam kung kaya ko siyang kausapin at puntahan sa kwarto niya. Naisarado ko na ang pinto dito sa labas at na off ko narin ang ilaw pero hindi ako makapasok sa room niya.
Ewan, isang linggo ko lang naman siyang hindi nakita. Pero sa tuwing naaalala ko yung sinabi ko sa gabing huli naming pagkikita, hindi ko alam kung kaya ko siyang harapin ngayon. Wala namang mali pero...
Hayst, buksan ko na nga lang. Gusto ko rin naman siyang kamustahin sa daplis niya.
Napatingin siya agad sa akin ng marinig ang pagbukas ng pinto. He smiled at me ng makita ako. Nakaupo siya sa kama at nakasandal ang likod niya sa headboar. Kalahati lang ang nakukumutan sa katawan niya, ang bewang hanggang paa niya lang. Naka white shirt siya at yung isang mancha ng damit niya ay nakalaylay, yung isa naman ay nakataas dahil may tela doon, ay yung kanang kamay niya ay nakahawak doon.
Kahit nginitian niya ako ramdam ko parin yung sakit na nararamdaman niya sa braso niya.
His eyes don't lie.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya, sa may kanan. "Okay ka na ba? Does it hurt?" tanong ko.
Nginitian niya lang ako. "You, are you alright?" pag-iiba niya ng tanong.
"Katsuki, tinatanong kita tatanungin mo rin ako."
He laughed. "Gusto ko lang naman malaman kong may nararamdaman pa bang sakit ang SuperWoman ko." malambing niyang boses. Parang bata.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...