CHAPTER 37

187 14 0
                                        

𝐏𝐮𝐧𝐜𝐡𝐞𝐝

CANNON'S POV

Kanina pa akong umaga dito sa tapat ng LCU para abangan si Airah na pumasok sa loob. Lumipas ang ilang oras ay nakita ko siyang nag park sa pwesto kung saan kami naglaban nong biyernes, walang sumalubong na kaibigan o kahit kaklase niya sa oras na yun kaya naman pumasok siya sa LCU na walang kasama.

Umidlip ako sa loob ng kotse para maghintay ng hapon, uwian nila. Nagising ako ng mga 3:00 pm at naghintay nalang ako ng isang oras bago ko siya makitang nakalabas sa LCU. Wala siyang kasama kaya hindi ako nakaimbestiga ng mga taong malalapit sa kanya.

Tinawagan ko agad si Boss Kintkeil at sinabi ang naimbestigahan ko. Napabuntong hininga na naman siya ng wala akong napala ng isang araw kaya naman napag pasiyahan naming magpanggap akong estudyante bukas, kahit bukas lang para mamanman ko ng sigurado si Jenairah sa loob ng campus.

Dumating ang araw na iyon at ginawa ko na nga ang plano. Hindi ko naman kailangan mag uniform dahil formal attire ang mga sinusuot ng mga college students dito kaya nagbihis lang ako ng maayos.

Nag isip pa nga ako kung paano ako makakapasok kung wala pala akong I.D. Kaya ang ginawa ko ay naghintay ako ng mga grupo ng kalalakihan para sumabay sa kanila. Sa wakas nakapasok ako ng hindi tinignan ng guard dahil nakisabay ako sa mga kalalakihan na magkakaibigan.

Napahinga ako ng maluwag ng tuluyang makapasok sa loob. Nag cap ako at pinatong ang hoodie doon para hindi ako makita ni Jenairah kung nagkataon.

Tumambay ako sa may malapit sa canteen. Tinignan ko ang mga estudyanteng naglalakad bago humugot ng bulsa para tawagan si Boss.

"Ano?" bungad niya. "Nakapasok ka na ba?"

"Oo, boss."

"Good. Simulan mo na. Huwag kang pahalata ah, kapag nakita ka nun lalo lang mag iingat 'yon."

"Yes po, boss."

Ayon lang at pinatay ko na ang tawag. Tumingin muna ako sa magkabilang gilid bago umalis doon. Nagpunta ako sa Library ng college para doon muna magpalipas ng oras habang hinihintay ang break time ng umaga.

Nang marinig ko ang tunog ng bell ay dali-dali akong umalis doon. Tulog ang librarian kaya hindi niya ako nakitang lumabas, kanina naman noong pumasok ako umalis siya para mag cr.

Bumaba ako sa floor na yun at pumunta sa canteen. Nag order ako ng ice cofee at umupo sa may pinaka dulo para hindi mapansin ng marami, nakatapat ang mesa ko sa entrance ng canteen kaya nakikita ko kung sino sino ang mga dumarating.

Agad kong nilagay ang isang earphone ko sa kanang tenga at kinonekta iyon sa phone. Tinawagan ko agad si Boss Kintkeil at nag kunwaring walang kausap kahit in-call kaming dalawa.

"Umalis ka diyan kung wala siya diyan." sabi niya, pero di ako umalis.

Nararamdaman ko kasing pupunta siya dito. At hindi nga ako nagkamali, napangisi ako ng makitang pumasok siya ilang minuto ang nakalipas sa tawagan namin ni boss. May mga kasama siyang dalawang bakla at isang babae. Umupo sila sa may malapit sa entrance.

Hindi siya masiyadong nakipag daldalan sa mga kasama niya. Naka kross ang braso niya na nakaupong panlalaki. Hindi man niya ihalata, nasisilayan ko naman ang ulo niyang tumitingin tingin sa paligid. Mukhang nag iingat siya. Masiyado talaga siyang maparamdam sa mga taong naghahanap sa kanya.

Umiling ako at humigop ng ice cofee.

Natapos ang break na iyon ng wala namang umaligid sa kanyang lalaki. Sa bagay medyo pumangit siya kaya halos walang umaaligid aligid sa kanya. Pero kung hindi siya siguro uminom ng orange drug na pampapangit ng mukha, baka siguro maraming aaligid sa kanyang lalaki dito.

HER SECRETWhere stories live. Discover now