𝐓𝐡𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐅𝐚𝐮𝐥𝐭
AIRAH'S POV
"Uhm Habin, pwede ba kitang makausap?"
Nilapitan ko siya pagkatapos niyang kausapin ang director ng Zamboanga del Sur Police Station. Tumango siya at pumunta kami sa walang masiyadong tao dito sa loob ng station.
Nginitian ko siya ng kaunti. "Salamat." Alam na niya 'yan kung anong gusto kong sabihin.
"Diba sabi ko sa'yo, ipapakulong ko silang lahat. Nag promise ako sa'yo nun, at nag promise karin sa'kin, bubuwagin ko ba yun, Airah?" bumulsa siya ng kamay sa uniform pants niya at tinaasan ako ng kilay. Natawa nalang ako.
Okay, 1 week ago nasabi ko kay Habin ang totoo. Na ikakasal ako ngayong araw at narape ako ng paulit-ulit ni Thomas.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung paano niya kasama sina Viel at Tita Kylie kanina.
"Anyway, paano mo pala naging kasama si Tita Kylie at Viel? Pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?"
He sighed before speaking. "Okay. Primus called me kanina na kailangan niya ako, sila ng kaibigan niya kasi nga para iligtas kayo ni Tyrone. Psh, hindi ko nga alam ba't niya ako tinawagan eh hindi naman kami close at galit yun sa akin." sabi niya at umirap pa siya, natawa naman ako. "Pero ang hindi niya alam kasama ko na si Tita Kylie papunta dito dahil plano niyang ipakulong din silang apat, sinabi niya sa akin ang dahilan niya, alam niya din ang tungkol sa kasal niyo."
Nagulat ako.
Huh? Hindi ba't walang alam si Tita Kylie sa kasal kaya nga wala siya kanina sa kasal namin eh.
"Noong nasa Batanes kayo, nakipagkita sa akin si Tita Kylie non at sinabi niya na gusto niya akong maging partner sa gagawin niyang pagpapakulong sa kanila dahil una awang awa na siya sa'yo, hindi lang sa'yo pati narin sa anak niya. Pero ang hindi niya alam na may plano narin ako, tayong dalawa. Kaya ayun, natuwa siya ng malaman niya iyon sa akin. Remember nakilala ko siya dahil sa birthday mo sa Rizal, kaya kilala niya ako bilang pulis."
"About sa pag r-rape sa akin ng asawa niya, alam niya ba yun?" agaran kong tanong sa mababang boses.
Umiling siya. "Mukhang hindi."
Tumingin ako sa malayo at nakita ko si Tyrone at Viel na nag uusap.
"Kailan mo balak sabihin sa kanila ang tungkol doon?"
Iniwas ko ang paningin sa kapatid ko at kay Tyrone at binalik ang paningin kay Habin. Nag cross arm ako at pinapadulas dulas ko ang palad sa braso ko.
"Hindi ko alam." And I bowed.
Narinig ko siyang suminghap. "Airah naman. Kailan mo yun sasabihin sa kanila? May karapatan kang sabihin at malaman nila 'yon! Anong gusto mo ako pa ang magsasabi? Kasi oo, kaya kong sabihin sa kanila yun lalo na sa boyfriend mo."
Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Oh, takot ka diba? Kaya kung ayaw mong sa akin niya malaman yun, ngayon palang sabihin mo na."
Bumuntong hininga ako at hindi nakasagot.
Nakausap ko narin pala yung apat na kaibigan ni Tyrone. Sila nga ang nagpatunog ng kampana. Nagpasalamat at nag hingi din ako ng pasensiya dahil napahamak pa sila, lalo na si Jiro.
Hindi narin kami nagtagal doon, umuwi narin kami ni Tyrone kasama si Viel sa Manila. Ang nagpaiwan doon sa Zamboanga ay si Tita Kylie at si Habin. Sila nalang daw ang bahala doon.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mistero / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...
