CHAPTER 43

160 11 0
                                    

𝐑𝐞𝐯𝐚𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐈𝐈 - 𝐄𝐱𝐩𝐥𝐚𝐢𝐧𝐞𝐝

AIRAH'S POV

Nakauwi ako ng bahay 5:27 pm na. Grabe! Sumakit yung ulo ko sa inexam namin kanina, first exam palang namin iyon halos humiwalay na ang utak ko sa ulo. Parang hindi ko yata kayang mag review mamaya, itutulog ko nalang.

Bigla kong naamoy ang niluluto ni Nanay sa kusina pagkaupo ko palang sa kawayang upuan dito sa sala. Pagkatapos ay tinanggal ko na ang sapatos at medyas ko pati narin ang bag ko na nasa balikat. Pagkatapos ay tumayo na ako at pumunta sa kusina. Gaganahan yata ako kapag makakakain, nagugutom na rin ako eh.

Kinuha ko ang isang kamay ni Nanay Emilia habang ang isa ay hawak ang sandok. "Mano po."

Hinawakan nila ang aking ulo pagkatapos kong magmano. "Kumusta pagsusulit niyo, mahirap ba?" tanong nila at ibinalik ang mata sa niluluto.

Tinignan ko naman ang niluluto nilang sinigang. "Yes ho, third year college na nga ako dahil ang hirap na ng mga exams namin. Pero nakayanan ko naman ho, kahit papaano may nasagutan ako." sagot ko habang sa sinigang parin nakatingin.

"Ako na ho diyan, Nay." sabi ko kalaunan at kinukuha na ang sandok na hawak nila pero nilayo nila iyon.

"Hindi ba't kakasabi mo lang mahirap yung inexam niyo, kaya ako na ito, maupo ka na doon sa mesa at hintayin mo na 'tong maluto para makakain ka na, alam kong pagod ka."

"Nay naman eh, utak lang ang pagod sa akin pero yung katawan ko kulang na sa trabaho."

"Huwag ka ng makulit." pagtatapos nila. Wala na akong nagawa kundi ngumuso nalang.

"Okay. Patikim mo na ako." ngiting sabi ko.

Kumutsara naman sila agad ng sabaw at hinipan pa nga bago nila tinutok ang kutsara sa bibig ko.

"Ang sarap!"

Nanlalaking matang sabi ko sa sobrang sarap ng sabaw. Maasim pero masarap, may kaunting maanghang rin. Syempre dapat lang favorite ko kaya ang maanghang.

"Goods ba?"

Nag like sign ako. "Good na good."

Ngumiti sila at pinagpatuloy na ang ginagawa. "Galing niyo talaga mag luto, Nay. Alam niyo ba naalala ko nung umalis kayo sa Mansion ni Zel dati, halos hindi na ako kumakain kasi yung luto niyo lang yung hinahanap ko, nakasanayan ko kasi ang timpla niyo eh. Kaya kada kumakain ako nawawalan na ako ng gana lalo't si Tita Aoife na ang nagluluto sa bahay kasi hindi na nagpa resign si Dad ng katulong sa pagluluto. Buti nalang at tinuruan niyo ako magluto kaya kapag ayoko yung luto ni Tita Aoife ako na nagluluto para sa sarili ko."

"Galit ka parin ba kay Tita Aoife mo hanggang ngayon?" agad nilang tanong na ikinatahimik ko.

"Hmm, oo na parang wala na. I don't know." sagit ko at nagpakalumbaba. "Kayo po, galit parin ba kayo sa kanya?" pagbabalik ko ng tanong sa kanila.

HER SECRETWhere stories live. Discover now