CHAPTER 33

168 11 0
                                    

𝐑𝐞𝐯𝐞𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈 - 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 𝐎𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

AIRAH'S POV

Isang linggo narin ang lumipas ng matapos ang Interhigh. Yes nung pumasok ako nung Lunes ay maraming nagtanong bakit daw ganito ganyan, nag dahilan nalang ako na sumakit yung tiyan ko at thanks dahil naniwala naman yata sila sa reason kong yun.

Si Katsuki naman hindi siya tumigil sa akin kakatanong kung talaga bang pinanood ko siya, wala naman akong ginawa kundi sabihin ang totoo na pinanood ko nga talaga siya. At salamat dahil naniwala narin siya pagsapit ng uwian.

Now it's Friday, papunta ako ngayon sa school para pumasok at kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod sa akin.

Ilang araw ko na pala 'tong nararamdaman mula nung magkita kami ni Kintkeil sa UP nung Interhigh. Una kong naramdaman na may nagmamasid at sumusunod sa akin nung papunta ako sa AusDeLun nung Sabado, doon nag start lahat ng ito at parang dumadami na sila.

Ngayon hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko dahil nakatitiyak akong wala na akong kawala. Masiyado silang malakas at mapangahas para hindi nila ako hanapin.

Pinaharurot ko ang motor ko at inilito ko sila ng daan, sumingit singit pa ako sa kotse na nadadaanan ko.

Dapat nga ay dumiretso lang ako ng daan pero pinaliko ko sa isang maliit na espasyo ng kalsada sa may kaliwa para lituhin sila.

Nang makita ko na dumiretso lang sila sa lane na iyon ay umalis na 'ko sa kinaroroonan ko at pinaharurot ang motor ko papuntang school, mukhang malilate pa nga ako.

Hindi din nagtagal ay nakarating narin ako sa school at pinark ng maayos ang motor sa parking lot. Inilibot ko pa ang mga mata ko sa paligid baka kasi dito sila dumiretso matapos ko silang lituhin pero wala, tahimik at mukhang wala akong nararamdamang mali. Kaya dumiretso na ako sa loob at tama nga late na ako, wala ng students sa quadrangle.

Dali dali akong tumakbo papuntang SCB at nag elevator nalang ako, napagod na 'ko sa biyahe kaya ayoko nang pagudin yung sarili ko sa pag akyat ng hagdan at isa pa late narin ako kailangan ko ng magmadali.

"You're late Miss Alvarez."

Bungad sa akin ng Prof. Yumuko ako bilang pagpapasensiya.

"Good morning ma'am, I'm sorry."

"Ayoko ng ganito Miss Alvarez kaya next time na maulit ulit 'tong late ka sa klase ko hindi na kita papasukin during my class hour, do you understand?"

"Yes ho."

Tumango sila at ibinalik ang paningin sa presentation sa harapan kaya dumiretso na ako sa upuan ko.

"Why are you late?"

Nakita ko ang walang tunog na tanong ni Archer sa akin sa harapan ko.

Inilagay ko ang index finger sa labi, sinasabing huwag siyang mag tanong dahil wala naman din akong magandang maisip na dahilan na isasagot ko. Nakita ko ang pag pout niya at ibinalik ang paningin sa harap.

"Sunod ka ah." sabi ni Innah matapos kong sabihin na mauna na sila sa canteen dahil nililigpit ko yung mga gamit kong ginamit sa pag calculate at pag drawing. Break time na kasi ngayon.

"Sige mauna na kami ah, bye."

Tumango lang ako at umalis narin naman na sila agad. Medyo tumagal din ako sa pag aayos ng gamit ko bago ako lumabas ng room at saktong pagkalabas ko ay nakaabang na pala sa akin si Katsuki sa tapat ng pinto ng kwarto namin. He smiled at me.

HER SECRETWhere stories live. Discover now