CHAPTER 60

185 9 0
                                    

𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬

AIRAH'S POV

Now it's Christmas Eve. Ewan ba bakit ngayon lang namin naisipang ikabit 'tong Christmas Tree. Well hindi naman siya masiyado kalakihan, maliit lang siya at nakapatong lang sa lamesa, tabi ng kulay cream na sofa dito sa sala.

"Katsuki. Yung Christmas Light, pakiabot."

I said at tinuro yung Christmas Light sa paanan niya. Nakaupo kasi siya sa lapag habang nag aayos ng regalo.

Sabi niya ibibigay niya daw ang mga iyan kay Nanay Emilia, kay Zel, at kay Mommy niya mamaya.

Uuwi din pala ako sa bahay nila Zel mamaya, ganun din siya uuwi din siya sa bahay nila mamaya. Pero 2 am babalik kami dito sa condo para mag celebrate ng Christmas na kaming dalawa lang. Gusto din naman niyang samahan Mommy niya mamayang 12 am dahil kanina pa ito tawag ng tawag na umuwi na siya dahil pasko na.

Pero lagi naman silang nagkakausap ng Mommy niya sa phone at minsan ay umuuwi din siya doon tapos babalikan niya ako pag gabi.

Mommy's Boy kasi siya kaya hindi niya matiis ang Mommy niya na hindi puntahan. Isa pa wala lagi yung Ama at Kuya niya doon.

And about kay Kintkeil at sa Daddy niya, hindi pa namin sila napag uusapan dahil ayokong mabanggit sa kanya ang katotohanan. Hindi pa ako handa para doon. Ayokong saktan ang damdamin niya.

Kinuha niya ang Christmas Light na pinapakuha ko at tumayo para iabot sa akin. Tinulungan niya naman akong paikutin iyon sa Christmas Tree para ayusin.

Pagkatapos ay nilagay ko sa tuktok ang star na huli kong nilagay.

"Ang ganda!" ngiting hiyaw ko ng i-on niya ang Christmas Light.

Habang tinititigan ko ang umiilaw na bagay na ito ay hindi ko mapigilang maging emosyonal.

Ang daming pumasok na ala-ala sa isipan ko.

Mula ng mamatay ang Mommy ko hindi ko na naramdaman ang saya ng pasko. Kahit gaano kadami ang handa namin, kahit gaano kadami ang Christmas Lights na nakapalibot sa Mansion namin. Kahit gaano kalaki ang Christmas Tree namin. Hindi parin ako masaya dahil kulang, dahil may kulang at ang Mommy ko iyon.

Naalis ko ang paningin sa lumiliwanag at kumikinang na Christmas Tree at napayuko. Pinipigilan kong umiyak, pinipigilan kong maging emosyonal sa harap ng lalaking nakatitiyak kong nagpabalik na ng sayang gusto kong maramdaman muli after 13 years.

Naramdaman ko ang mainit niyang pagyakap sa akin.

Naisubsob ko ang ulo sa didbib niya at doon ko iniyak lahat. Tahimik lang akong umiyak sa didbib niya at hindi ako nagpakawala ng paghikbi o kahit anong ingay.

Hinihipo hipo niya ang likod ko at tinatahan niya ako.

Hindi din nagtagal ay ako na ang kumawala sa yakap niya at pinunasan ang luha ko sa pisngi bago ko siya angatin ng tingin.

He smiled at me. A genuine and sweet smile.

"Bakit ka naging emosyonal?" tanong niya kasabay ng paghawak niya sa pareho kong pisngi.

Napayuko ako saglit at inangat din kalaunan. "Dahil sa wakas, after 13 years, naramdaman kong muli ang saya ng pasko dahil sa'yo."

Nakita ko ang pagkinang ng mata niya. I know naiiyak rin siya pero pinipigilan niya para sa akin.

"Me too." tanging sagot niya at nginitian ako bago niya hinalikan ang noo ko.

Pagkatapos ay nag prepare na kaming umalis sa condo para pumunta sa bahay nina Zel. Makiki advance Christmas din daw siya doon bago pumunta sa bahay nila sa mismong Christmas at susunduin niya akong muli kina Zel para bumalik dito sa condo para mag celebrate ng pasko na kaming dalawa lang.

HER SECRETWhere stories live. Discover now