CHAPTER 83

108 7 0
                                    

𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡 𝐨𝐫 𝐃𝐚𝐫𝐞?

AIRAH'S POV

"Sis ito yung damit mo, magpalit kana."

Binigay sa akin ni Zel ang malaking bag. Sabi sa akin ni Tyrone ay pinapunta niya daw sina Zel at Austin doon sa condo para kumuha ng damit namin. Dito kasi kami matutulog at ganun din sila Zel.

"Sige." sabi ko at kinuha ang bag sa kamay niya.

"Nga pala hindi kita nabati kanina. Happy Birthday ulit sa napaka ganda kong kinakapatid hahaha!"

"Hanggang ngayon loka loka ka parin talaga."

"Totoo naman ha, kinakapatid kita, magkapatid kaya tayo pero hindi totoo."

"Tch." ani ko at natawa.

"Sorry nalate kami."

Napatingin kami sa lalaking kakarating lang. Si Habin kasama ang kapatid niyang si Feliz.

Naglakad ako papunta sa kanila. "Ayos lang, ah maupo kayo."

"Salamat. Happy Birthday pala, Airah."

"Thank you."

"Happy Birthday po ate Airah." si Feliz, ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin.

"Thank you, Feliz."

"Sorry po na-late po kami."

"Ano ba kayo okay lang. Maaga pa naman."

Nginitian nila akong dalawa.

"Ah ate gift po namin ni kuya sa'yo."

Napatingin ako sa nilalahad niyang gray paper bag. "Thank you." Kinuha ko iyon at inakbayan si Feliz.

At dahil may magulong mukha ang mga ilang tao na nandito tulad ni Nanay Emilia, Tita Kylie, Archer, Gex, Innah at Winter ay nginitian ko sila. "Si Habin ho at yung kapatid niya, si Feliz, mga kaibigan ko ho sila." pagpapakilala ko sa kanila.

"You're taken?"

Napatingin kami ng sabay sabay ng magsalita si Winter. Nakatingin siya kay Habin ng malalim. Natawa ako sa itsura ng kaibigan ko. Gwapong gwapo siya kay Habin. Bwahaha ang hilig talaga nito sa mga lalaki lalo na kapag gwapo.

"Interested?" lokong tanong naman ni Zel. Tumawa kami.

Tinarayan naman siya ni Winter. "No way!"

"Eh bakit mo tinatanong kung taken siya?"

"Bawal ba, Zhilaine Alvarez?" nagtaas ng kilay si Winter kay Zel.

Bwahaha hindi talaga magkasundo ang dalawang ito. Kaya mula noon ayaw kong pagsamahin silang dalawa eh dahil hindi naman sila nag-uusap ng maayos.

"A-ah, I'm single Miss."

Agaran na ang pagsagot ni Habin kay Winter na ikinangiti naman ng kaibigan ko.

See? Naghahanap talaga ng lalaki 'to eh. Maireto nga si Habin sa kanya.

Ooops nirereto pala nila si Primus kay Winter. And speaking of Primus.

"Cr lang muna ako saglit."

Ayon, umalis. Mag c-cr daw.

"Sheesshhh naman!!!"

Si Seb. Signaling again.

HER SECRETWhere stories live. Discover now