𝐔𝐧𝐞𝐱𝐩𝐞𝐜𝐭𝐞𝐝 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲
AIRAH'S POV
Pagkatapos sabihin iyon ni Tyrone sa akin sa coffee shop na paborito niya noong gabi ng biyernes ay nag kwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Naging masaya ang gabing iyon at nakapag spend kami ng time sa isat-isa.
Marami rami narin kaming nakukuhang ebedinsya ni Habin, marami na kaming hawak sa ngayon ngunit hindi pa namin inuumpisahang ipakulong ang Daddy ko. Masiyado pang mahigpit ang magiging laban namin sa kanya. Siguro pagkatapos ng lahat ay doon na.
Hindi narin kami masiyadong lumalabas ni Habin ngayon hindi tulad noong nagdaang linggo. Sabi ko nga marami na kaming hawak na ebedinsya kaya medyo huminto na kami.
Yung about kay Thomas, ayos narin iyon. Siguro next month or next next month makukulong na siya ng wala siyang kaalam alam. Plano ko narin kunin si Viel sa Mansion dahil nakatitiyak akong wala na siyang magulang na makakasama sa susunod na mga buwan.
Gising na ang diwa ko ngunit nakapikit parin ang mata ko. Alam kong umaga na, nakakarinig na kasi ako ng tunog ng sasakyan sa labas.
Kinapa ko ang katabi ko ngunit walang Tyrone akong nahahawakan. Ngayon naimulat ko na ang mata ko. Wala nga siya dito sa tabi ko.
Tinignan ko ang buong paligid ng kwarto at hindi ko siya makita. Siguro ay nagluluto na ng breakfast yun.
Huh? Nagluluto? Wala naman akong naaamoy na kakaiba galing kusina? Takang tanong ko sa sarili.
Kaya naman tumayo na ako at inayos ang kama bago umalis ng kwarto. Pahikab hikab pa ako habang naglalakad patungong kusina. At ganun nalang ang pagkadismaya ko ng wala siya doon.
Tinignan ko ang buong sala at wala din siya doon, binuksan ko rin ang veranda baka sakaling nagkakape siya ngunit wala rin siya doon.
Tumungo ako sa dalawang kwarto, sa small room at guest room ngunit wala rin siya doon. Bumalik ulit ako sa master bedroom baka nasa CR lang siya o kaya naman nasa walk in closet ngunit wala siya.
Nakakunot ang noo ko ng makalabas sa walk in closet. Nagpabewang ako at iniisip kung saan siya pupunta ngayon.
Kagabi naman ay wala siyang nabanggit sa akin na pupuntahan niya. 'Tsaka hindi mahilig iyon na umalis na walang paalam. Kapag umaalis iyon ng maaga binabangon niya ako 'tsaka kinikiss sa noo tapos aalis.
"Nasaan kaya ang Katsuki na yo---"
Hindi ko natapos ang tanong ko sa sarili ng masilayan ang cellphone niyang nasa side table. Nilapitan ko iyon at kinuha.
Naiwan niya cellphone niya?
Ioopen ko na sana iyon ng biglang may humawak ng binti ko sa ilalim ng kama. Napasigaw ako at nabitawan ang cellphone niya sa gulat.
"HAPPY BIRTHDAY BABE!"
Nakita ko siyang lumabas sa ilalim ng kama habang may lokong mukha. Napahawak ako sa didbib ko nang sobrang bilis ang pagkakatibok.
Nilapitan ko siya at sinabunutan siya sa buhok. "Gago ka! Halos mamatay na ako kakahanap sa'yo nandiyan kalang pala!"
Humalakhak siya ng sobrang lakas at tinanggal ang kamay ko sa buhok niya.
"I'm sorry babe..." pagpapasensiya niya.
Inirapan ko siya. "Lumabas ka nga diyan. 'Tsaka anong----"
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang sinambit niya kanina.
"Anong sabi mo? Birthday ko? Huh? Birthday ko ba ngayon?" takang tanong ko.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...