CHAPTER 03

398 18 0
                                        

𝐁𝐥𝐮𝐫𝐫𝐞𝐝 𝐕𝐢𝐬𝐢𝐨𝐧

SEB'S POV

Hanggang ngayon ay wala pa rin si Jose. Si Jose ay si Tyrone, Jose ang tawag ko sa kanya dahil palagi niya akong inaasar na Sebastian. Kaya inaasar ko siyang Jose.

Patas lang.

Kaya naman pinahanap sa akin ni Coach D si Jose dahil wala pa siya. Siya kasi ang Team Captain namin kaya kailangan palagi siyang present sa practice namin araw-araw. Yun ang patakaran ni Coach D.

Tumungo ako sa canteen at baka naroon siyang nag-aalmusal, ngunit wala siya ro'n. Pumunta ako sa classroom nila ngunit hindi ko siya makita, wala rin siya roon. Kaya naman bumaba ako at tumungo sa lockers.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na siya roon. Bumubuntong hininga akong naglalakad papunta sa gawi niya dahil sa pagod.

Kayo ba namang maghanap na tumatakbo, sinong hindi mapapagod dun, hindi ba?

Kaso nangunot ang noo ko ng hindi pala niya locker ang binubukalkal niya. Mas nangunot ang noo ko ng may kasama siyang maintenance boy na nag-aasikaso ng mga lockers. Nasa maintenance boy rin ang pangalawang mga susi ng mga locker dito kaya maaari nila itong mabuksan dahil may second key sila.

Hindi ko nagawang makapagsalita. Ngayon ko lang nalaman na may nag mamay-ari pala ng katabi ng locker ni Jose. Eh, ang alam ko hindi siya nagpapatabi. Natigilan ako ng mag-salita si Jose. Hindi ko alam kung nagagalit o ano.

"Bakit niyo kasi hinayaan na gamitin niya 'to? Alam niyong ayaw kong may katabi sa locker!" padabog na inaalis ni Jose ang lahat ng gamit roon.

"Mapilit kasi siya Sir, eh. Ayaw niya kasi doon sa bandang unahan, gusto niya kasi dito sa hulihan. Katulad niyo po." pagpapakatotoo ng maintenance boy.

"Kahit na... At isa pa binigyan ko siya ng isang araw. 2 days na pero hindi parin niya tinatanggal ang mga gamit niya dito, nauubos na pasensiya ko dun sa babaeng 'yon." galit na aniya ni Jose.

Napatingin ako sa mga gamit na nasa sahig na. Basta lang niya iyon pinaghahampas at pinambabato sa kung saan.

Magsasalita na sana ako kaso may nauna sa akin.

"WOI!" maangas, palaban, nakakatakot na tono. Isang salita lang 'yon pero matitigilan ka talaga.

Napalingon ako sa likod ko kung saan nagmula ang tinig.

Agad ko namang binaling ang paningin kay Jose, natigilan din siyang kagaya ko at titig na titig sa babae. Simple lang ang babae at matalino tignan dahil may salamin.

"Oh... Nice to meet you, again." ngising saad ni Jose sa babae, nakakaloko.

"Hindi ba't sabi ko naman sayo na bibigyan kita ng isang araw para umalis dito. Two days na ang nakalilipas hindi ka pa rin kumilos. Pa'no ba yan..." tinignan ang gamit ng babae sa baba. "kailangan mo na ng bagong locker."

Nangiti at itinuro ang gawi ng lockers ng mga babaeng hindi masiyado magaganda. "Doon ka nababagay dahil kauri mo sila!" pinulot ang isa sa papel ng babae at binato sa kanya. "Kumilos ka na, ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha mo sa harap ko." galit na pinaulanan ni Jose ng tingin ang babae at saka umalis.

HER SECRETWhere stories live. Discover now