CHAPTER 28

148 14 0
                                    

𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐡𝐢𝐠𝐡 - 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭

AIRAH'S POV

Pagkatapos akong harangin at kausapin ni Katsuki sa quadrangle at bigyan ng dare. Nagkasalubong naman kami ni Jiro sa daan ngayon. Ngumiti siya at huminto kaya naman huminto rin ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko.

"Airah." galak na aniya. "Kanina ka pa ba narito?"

"Kakarating ko lang."

"Ah, so hindi mo naabutan yung last meeting niyo nina Coach D, pumunta kasi sila sa room niyo kanina kung saan kayo magbibihis at magpapahinga."

"Hindi eh."

"Ayos lang 'yan." Ngumiti ulit at agad na binago ang topic. "Nga pala alam mo na ba kung sino unang makakalaban niyo sa basketball?"

"Hindi pa. Pero sa volleyball, PUP unang makakalaban namin."

"Ganun ba... Kaya niyo 'yan, goodluck ha."

"Good luck din. Kayo ba, sino unang makakalaban niyo?"

"Hindi ko nga din alam eh, hindi pa sinasabi ni Coach."

"Haysss. Si Coach D talaga gusto pa tayong pakabahin." sabi ko at napailing.

"Exactly, right?" At nilagay ang kamay sa magkabilaang tagiliran niya. "Ganun talaga yun si Coach. But I think U.P Diliman makakalaban namin." sabi na tila siguradong sigurado na. Naituro pa nga niya ako at nailagay ang hintuturo sa ulo ng may maalala. "Ohw, may naaalala ako. Hindi ba't taga UP ka noon?" Tuwang tuwa pa siya ng maalala na taga roon ako noon. "Hindi ako magtatakang kilala mo mga players ng basketball ng UP. Magagaling ba sila?" neenganyong tanong.

Hindi ako nakasagot. Mukhang malalagot ako nito. Bakit kasi isinama pa ang UP dito? Hayssttt akala ko ba UAAP lang sila.

"Airah?"

"Ah---" Ibinalik ko ang normal kong mukha at hindi ko ipinakita ang kaba.

"Kilala mo sila, diba?"

Huminga ako ng malalim at lumunok. "Ah--- sa totoo niyan Jiro wala akong kilala kahit isa sa kanila."

"Ha bakit naman?" biglang nalungkot ang naeenganyo niyang mukha.

"Masiyado ko kasing tinutok yung pag-aaral ko dun." sabi ko dahil iniiwasan ko ang tanong niya. "'Tsaka--- hindi ako nanonood ng mga games dati dahil ayoko talaga ng sports sa totoo lang. Tapos sa dami ng students doon halos hindi na nagkakaalaman ng names, mukha, kaya ayon hindi ko sila kilala." mahabang paliwanag ko. Pero ang totoo niyan, kilala ko lahat ng players ng UP dahil isa ako sa sikat doon noon nung nag-aaral pa ako.

Kaya hindi ko pwedeng sabihin na kilala ko sila dahil nakatitiyak akong marami silang itatanong sa akin. At kung malaman man ng isa sa varsity player ng UP na may transferre pala galing UP dito ay malamang hindi nila ako mamumukhaan dahil sa itsura ko ngayon.

Naiinis ako dahil pagkapasok ko palang sa gate kanina ay marami na akong familiar na estudyante ng UP na kilala ko sa mukha. May mga ibang estudyante pa nga ng UP na tinitignan akong mabuti.

Gaano ba ako pumayat para mahalata na ang totoo kung itsura? Sana naman hindi nila ako mamukhaan.

HER SECRETWhere stories live. Discover now