CHAPTER 76

112 7 0
                                    

𝐁𝐚𝐭𝐡 𝐓𝐨𝐰𝐞𝐥

Warning: Matured Scene Ahead! 🔞

AIRAH'S POV

Pinunasan ko ang luha ko ng makaupo sa eroplano. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang inaalala lahat ng iyon papunta dito sa airport.

Nagtali ako ng buhok at inayos ko ang mga dala ko pagkatapos kong punasan luha ko. Bigla akong napatigil sa kakaayos ng bag ko sa gilid ko ng parang familiar itong inuupuan ko.

Parang dito yung inupuan namin ni Tyrone noong niligtas niya ako sa pag kidnapp. Hindi ako nagkakamali ito yun.

Tinignan ko ang maliit na bintana sa gilid ko at ang upuan ko, ang kinalalagyan ng bag ko na noon ay diyan nakaupo si Katsuki. Tinignan ko rin yung harap at likod ko na upuan. Ito nga iyon.

Napangiti ako ng bigla kong naalala yung kinantahan niya ako ng Runaway by the Corrs tapos hinalikan ko siya.

Naknampucha! Wahhaahah!

Natawa tuloy ako at napapailing sa naalala. Kanina lang umiiyak ako tapos ngayon naman tumatawa.

Kinuha ko na lamang ang headphone sa harapan ko at sinandal ang katawan sa upuan at pinikit ang mata habang nakikinig ng music.

Nagising ako ng may tumatapik sa balikat ko.

"Miss we are here in Manila."

Nasilayan ko ang magandang flight attendant pagkamulat ng mata ko. Kumamot ako ng mata bago ako tumango. Umalis naman siya sa harapan ko kaya nagsimula na akong magligpit.

Tinanggal ko ang headphone sa tenga at binalik sa lalagyan. Nakatulog pala ako sa pakikinig ng music.

Bumaba ako sa eroplano at nag abang ng taxi. "Kuya sa Benitez Rockwell po." sabi ko ng binuksan ni Manong Driver ang bintana ng taxi niya.

Sumakay na ako. Isang oras ang byahe bago ako nakarating sa condo. Kinuha ko ang susi ng condo ko at binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang tahimik na living room. I miss here. Halos 3 weeks yata na hindi ako natulog dito.

Sinarado ko ang pintuan ng makapasok at binaba ko ang bagpack sa sofa at binitawan ang maliit na luggage. Galing pa sa Hawaii ang maleta na 'yan. May isa pa akong maleta sa Hawaii pero sina Katsuki na daw ang mang uuwi nun.

Agad akong umupo sa sofa at nag inat inat. Napagod ako sa byahe kahit nakaupo lang naman ako.

Tinignan ko ang veranda sa labas at malapit na mag hapon. Iniwas ko ang paningin doon at pinikit ang mata. Gusto ko matulog. Mamaya pa siguro sila makakarating nina Katsuki. Itutulog ko muna kahit mga 1 hour lang tas kakain na ako pagkagising.

"A-ano ba!"

Inis kong pag hiyaw ng magising sa pagkakatulog, para kasing may humahaplos sa pisngi ko at tinatawag ako sa pangalan ko.

"Airah."

"Airah."

Tinapik ko ang kamay niya habang nakapikit parin ako. Sino ba 'tong nanggugulo sa pagkakatulog ko? Kumunot ang noo ko at dinampot ang pillow sa gilid at ipinantakip iyon sa mukha ko.

Nananaginip yata ako pero gising ang diwa ko.

"Dandere, I'm Tyrone. Why are you covering your face?"

Lumuwang ang pagkakahawak ko sa pillow at gulat na gulat sa malalim na boses na narinig. Dahan-dahan kong binaba ang pillow sa mukha ko at dahan-dahan ding minulat ang mata.

HER SECRETWhere stories live. Discover now