CHAPTER 04

304 17 0
                                    

𝐒𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡𝐞𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐋𝐢𝐬𝐭𝐞𝐝

JIRO'S POV

"Saan tayo makakahanap neto?" inilinga linga ko ang ulo ko sa buong college building. "Wala yatang magaling mag basketball ngayon sa mga first year na babae, eh." huminga ako. "Pagod na 'ko. Bukas na lang kaya, may dalawang araw pa naman eh." sabi ko.

"Kaya nga. Kanina pa ako nagtatanong dito pero hindi daw nila alam maglaro ng basketball, hanggang badminton at volleyball lang daw ang alam nila." si Austin. 'Gaya ko na rin siyang nagrereklamo. Magka vibes talaga kami.

"Alam niyo kayong dalawa." gitil ni Seb at lumapit sa aming dalawa ni Austin. "Kung pagod na kayo umakyat na kayo sa taas. Alam kong nagrereklamo lang naman kayong dalawa. Susssss..." nakakaloko niyang sabi.

Natigilan din siyang kagaya ko ng biglang umalis si Tyrone sa tabi namin at tumungo sa entrance ng gymnasium.

"HOY!" si Seb. "Saan ka pupunta?!" isinigaw niya iyon para marinig ni Tyrone.

Ngunit hindi man lang nagbalak na tumingin sa amin si Tyrone. Kaya sinundan namin siya at pumasok rin sa loob ng gymnasium.

"Anong meron?" takang tanong ko sa isang estudyanteng naroon sa bench pagkapasok palang namin.

"Ahhh, Jiro." nabigla 'yong babaeng tinanungan ko ng makita kaming apat sa harap niya. "Pinatawag ni Coach Khalil yung mga Volleyball Players dahil sasabihin ata nila yung schedule ng practice nila starting next week." diniretso niya talagang sinabi yun para maintindihan namin.

Binulungan ako ni Primus. "Bakit gano'n? They already have a pre-practice schedule but we don't have one yet." nagrereklamo na aniya ni Primus.

"Siguro dahil complete players na sila at wala ng problema." tugon ko nalang.

Ibinaling ko ang paningin sa babae. "Ah, ganun ba. Thanks." nginitian ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Inilingon ko ang buong mata ko sa gymnasium para hanapin si Tyrone.

"Nasaan siya?"

Napalingon ako sa harap kong muli at nakita ko siyang nakaupo na halos nakabukaka at nakasandal sa bench at naka cross arm. Titig na titig sa mga Women's Volleyball Players na naroon. Nangilid ang kanang gilid ng labi ko ng makita ko ang itsura niya. Tutok na tutok sa mga babaeng naroon sa gitna ng gym.

"Hoy! Tyrone Kentkiel!"

Tinignan ko ang mga VB Players na halos magkakatabi dahil may sinasabi si Coach Khalil, siya ang coach ng Men's and Women's Volleyball ng LCU College. Si Coach D naman ay sa Men's and Women's Basketball.

"Sinong tinititigan mo diyan?" hindi siya sumagot. Ang mata parin niya ay nasa players ng VB.

Kaya naupo ako sa tabi niya at ginaya ang ginagawa niya. At nabigla ako ng makita ang babaeng natapon ang pagkain at nabasag ang plato niya kahapon. Pinasadahan ko ang buo niyang itsura.

Naka oversized shirt. Naka oversized pants na cotton. Naka sneakers na shoes na pang lalaki. Nakabuhaghag ang medyo magulong buhok at nakasalamin.

Parang hindi siya maglalaro ng volleyball.

Napailing ako sa sarili kong naisip. Pinagmasdan ko lang siya at hindi man lang siya ngumingiti o ano. Pinapakinggan lang niyang mabuti si Coach Khalil, tatango-tango at tititig lang sa bola ng volleyball.

HER SECRETWhere stories live. Discover now