𝐀𝐜𝐪𝐮𝐚𝐢𝐧𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 - 𝐋𝐚𝐬𝐭 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞
AIRAH'S POV
"Jiro, Dandere. Anong ginagawa niyo?"
Sabay kaming bumitaw ni Jiro sa isat-isa at sabay din na lumingon sa nagsalita. Nagulat ako ng makita si...
Katsuki.
Magpapaliwanag na sana ako kaso natawa siya na ikinakunot ng noo ko.
"Hindi ko alam na may relasyon pala kayo. Hindi niyo sinasabi sa amin." at namulsa.
"Wala kaming relasyon ni Jiro, nagyakapan lang kami." ismid kong tugon.
"Wala? Eh kung wala, ba't kayo nagyakap?"
Sasagutin ko na sana siya kaso humarang si Jiro sa harap ko at siya ang sumagot. "She appreciated my singing earlier so I hugged her as a thank you."
"Talaga?"
"Alam mo kung hindi ka naniniwala, 'wag kang magtanong." inis kong tugon sa kanya at inikot ang mata.
Alam ko namang ayaw sabihin ni Jiro ang totoong sinabi niya sa akin dahil baka asarin siya siguro nitong nasa harapan ko kaya ganun.
"Napakasungit mong pangit ka." durong saad ni Katsuki sa akin.
"Masungit ako sa mga taong masungit sa akin." pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ah, kaya pala kanina ibang klase ka tumingin at tumitig sa akin."
"Anong pinagsasabi mong iba akong tumitig sa 'yo?" kunot noo kong tanong at bumewang, "Woi!" at dinuro siya. "Baka nakakalimutan mo, ikaw ang unang tumingin sa akin kaya ginantihan din kita ng tingin. At baka nga ikaw pa ang ibang makatingin, eh." taas kilay kong saad.
"What?! Asa ka!" sabi at umiwas ng tingin sa akin.
"Oh?" nag cross arm ako. "Bakit hindi ka makapagsalita ng mas maayos diyan sa sagot mo, dahil ang totoo ikaw ang ibang tumingin sa atin."
Halos napatalon ako ng mag taas siya ng boses. "Hoy pangit! Don't expect me to think differently of you because the truth is I'm disgusted that you think of me because you seem to want to kill me!"
Natawa ako sa huling sinabi niya. "At bakit naman kita papatayin? Alam mo ang totoo, may sira ka sa utak dahil kung ano-ano iniisip mo."
"Hoy! Hindi ako sira ulo!" Babatukan niya sana ako kaso inawat ni Jiro ang kamay nito.
"Huwag nga kayo mag-away. Alam ko kung sino ang masama ang tingin sa inyong dalawa."
"Sino?" agad na sagot ni Katsuki.
"Pareho, pareho kayong masama ang tingin sa isat-isa. Kulang nalang magsanib pwersa yung masamang tingin niyo at maging manit na ulan." ani Jiro na seryosong-seryoso.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...