𝐀𝐜𝐪𝐮𝐚𝐢𝐧𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 - 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧
AIRAH'S POV
"Bakit ganyan ang suot mo?"
Kunot noo at halos hindi mabasa ang reaksiyon nitong si Zel sa suot ko.
"Bakit, maayos naman ah."
Tinignan ko ang suot ko, naka jeans ng maluwag, naka oversized shirt at naka sneakers shoe na panlalaki.
"Anong ayos diyan?" ismid niyang aniya. "Acquaintance Party ang pupuntahan mo, uy."
"Huwag kang mag-alala, magpapalit naman ako eh."
"Magpapalit, anong ipapalit mo eh wala kang dalang damit."
"Ipapahiram ni Innah saglit yung dress niya sa akin."
"Sinong Inna--- ay yung kaibigan mo pala do'n sa school niyo." Nanahimik muna bago nagsalita ulit. "Ano kulay ng dress niya?"
"Ay aba ewan ko."
"Anong ewan? Huwag mong sasabihing hindi mo alam kung anong klaseng dress yun."
"Talagang hindi ko alam." sagot ko at bubuksan na sana ang pinto para lumabas pero pinigilan niya ako. "Ano na naman?"
"Paano kung labas cleavage 'yon?"
Natigilan ako sa sinabi niya at nag isip-isip.
"Hindi naman siguro ganun 'yong dress, alam naman nilang mataba ako."
Pagkatapos kung sabihin yun ay pinasadahan niya ako ng tingin mula paa paitaas hanggang sa mahinto siya sa mukha ko.
"Namamayat ka, Jenairah."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. "Sige na, alis na 'ko."
"Saglit lang."
"Ano na naman?" nagkunwari akong naiinis.
"Kailangan mong ma-maintain 'yang taba mo, Jenairah. Hindi pwedeng mamayat ka dahil alam mo na kung saan tutungo ang itsura mo. 'Yan lang ang paraan sabi mo nga para hindi ka---"
Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Agad ko siyang tinalikuran at umangkas sa motor ko. Kahit hindi naman niya sabihin yun, alam kong alam ko 'yon.
"Jenairah!"
Napapikit ako ng marinig na naman ang malakas na boses niya. Naririnig ko ang yapak niya papunta sa akin.
"Kahit kailan talaga nakakainis kang kausap." aniya hanggang sa nasa harapan ko na siya. "Hindi mo ba 'ko isasakay, akala ko ba ihahatid mo 'ko sa AusDeLun?"
Tinaasan niya ako ng kilay, sinasabi lang naman niya dun na nakalimutan ko na.
"Sakay na." kako na inginuso ang likuran ko.
Agad naman siyang umangkas at pinaandar ko na ang motor ko pagkatapos nun para ihatid siya sa AusDeLun. Ayaw kasi nitong mag commute kapag gabi.
Ini-stop ko na ang pagmamaneho ng nasa harap ko na ang entrance ng AusDeLun Bar.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...