𝐃𝐢𝐬𝐨𝐛𝐞𝐲
AIRAH'S POV
Pagkatapos kong ibaba ang bag ko sa bench ay lumapit si Scylla sa akin, may binulong. Si Scylla ay ang Team Captain namin sa Women's Basketball.
*Scylla pronunciation is Eskayla not Cila*
"Hindi ka na magpapalit ng damit? Masiyadong maikli 'yang suot mo." sabi niya.
Napatingin ako sa suot ko. "Okay na 'to. Nakalimutan kong dalhin yung jersey ko sa basketball." sabi ko at hinawakan ang jacket upang tanggalin. Alangan namang naka jacket ako habang naglalaro, diba?
Nang matanggal ko na ay tinupi ko ito ng walang patungan at inilagay sa bag ng nakayuko. Pagkatapos kong ilagay ay nag stretching-stretching ako na nakapikit. Habang nag s-stretching ay may kumalabit sa balikat ko. Napamulat ako ng mata at nagulat ng si Coach D pala ang kumalabit sa akin.
"Coach?" At tumigil ako sa pag s-stretching. "Game na ba, Coach?"
Natawa si Coach ng hindi naman nakakainsulto. "Hindi yun. Kaya ako nandito para sabihin sa'yo na hindi ka maglalaro ngayon. Bukas nalang."
Kumunot ang noo ko. "Bakit ho?"
"Baka kung sabihin ko ang dahilan kung bakit hindi ka maglalaro eh baka hindi ka maniwala sa akin."
Hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Coach. "Ha?"
Huminga si Coach ng malalim at nagsalita. "Ayaw ni Tyrone na maglaro ka ng basketball ngayon. Masiyado daw kasing maiksi ang suot mo at baka daw mabastos ka ng mga kasamahan niya sa basketball."
"Hala siya oh!" gulat na sabi ni Scylla.
Napatingin ako kay Katsuki at kausap niya si Seb. Nang makita ni Seb na nakatingin ako kay Katsuki ay pumunta siya sa likuran niya at tinuro ako. May sinabi siya sa kaibigan niya pero hindi ko marinig dahil malayo sila.
Natitiyak kong pinapakinggan ni Tyrone ang sinasabi ni Seb ngunit nasa akin ang kaniyang paningin. Pero nang tumagal na ang tinginan namin sa isat-isa ay unti-unti niyang binababa ang paningin niya papunta sa leeg ko, dibdib ko, tiyan ko, gitnang katawan ko, tumagal siya sa legs ko at biniglang dineretso papunta sa paa ko at biglang napapikit.
Nakita ko pa siyang may sinabi kay Seb bago niya ito iwan. Nang dahil doon si Seb ang nakatitigan ko ngunit umiwas agad siya sa akin ng tingin at sinundan ang kaibigan.
"Airah."
"Ah, Coach?" Nandito pala si Coach sa tabi ko, nalimutan ko na.
"Maglalaro ka ba o hindi?"
"Maglalaro ho ako, Coach. Sino ba siya upang pakialaman ako." Pataray kong sabi.
"Ang sakit naman nun ah, pero infairnes may concern na pala sa'yo si Mr. Bully. Takot na yatang maparusahan ni Dean Hahaha!"
Natawa si Coach sa sinabi ni Scylla. "Exactly, same tayo ng sinabi Scylla."
"Tch. Wala siyang karapatan sa pagkatao ko. At saka hindi naman kabastos bastos ang suot ko, jersey nga eh."
"Hay naku, Airah. Kaya niya siguro nasabi yun dahil napapansin niya na pumapayat ka, baka naseseksehan siya sayo kaya ganun."
YOU ARE READING
HER SECRET
Mistério / SuspenseHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...