𝐂𝐨𝐮𝐩𝐥𝐞 𝐒𝐡𝐢𝐫𝐭𝐬
AIRAH'S POV
Kanina pa ako naghahanap ng makakain dito sa kusina pagkalabas sa walk in closet pero wala akong makita ni isa.
"Mag grocery tayo."
Napalundang ako ng may nagsalita sa likod ko. Naisarado ko ang cabinet sa taas ng sink at tinignan si Katsuki.
"There's no food there yet, so don't force yourself na makakakita ka. Tayo gagastos nun 'no."
"Eh nagugutom na ako eh, wala ba ditong kahit delata lang?" tanong ko.
"Wala. Sa mall nalang tayo kakain ng lunch bago mag grocery."
"Okay." sabi ko at umalis sa kinaroroonan.
"Ngayon na ba?" tanong ko ng makarating sa sala.
Tumango siya at kinuha ang car key at wallet sa harap ng tv dito sa sala.
Tinignan ko ang suot ko at naka pants lang ako and naka oversize t-shirt na color nude.
Okay na siguro 'to hindi na ako magpapalit ng damit, naligo naman ako kanina eh tapos grocery lang naman pupuntahan namin.
Kinuha ko lang ang face mask ko for hiding my face at sumunod na kay Tyrone na lumabas. Nag elevator kami patungong basement parking dahil nandoon ang kotse niya.
Sa malapit lang na mall ang pinuntahan namin, marami namang mall dito sa QC kaya kahit saan ay pwede.
Inalalayan niya akong bumaba ng makarating kami sa mall. Sabay kaming pumasok na dalawa sa entrance. Naka black hat siya habang ako ay may face mask para hindi nila ako mamukhaan kung may naghahanap man sa akin.
"Saan mo gustong kumain?" baling niyang tanong sa akin ng makapasok sa mall at naghahanap ng pwedeng kainan.
"Sa KFC. Na miss ko mag KFC." reguest ko at tinuro yung KFC sa malayo. Nasa tapat na nga kami ng Jollibee pero sa KFC yung gusto kong pasukan.
Iniwan ko siya at naunang pumunta sa loob ng KFC. Nagugutom na talaga ako, naririnig ko na nga yung pagrereklamo ng tiyan ko eh. Buti nalang at hindi masiyadong marami ang nakapila kaya nakapag order agad kami ng pagkain.
After omorder ay naghanap kami ng mauupuan, sa dulo ang napili namin para tahimik at hindi masiyadong maingay. Hindi nagtagal ay dumating narin ang inorder naming dalawang Signature Meals. Yung 2pc chicken with side, rice and drinks ang inorder namin.
Pinapak ko lang naman ang gravy at nagpakuha ako ng nagpakuha sa kanya kada nauubos ko. Hindi narin naman kami nagtagal doon dahil umalis narin naman kami pagkatapos kumain.
"Nabusog ka ba?" tanong niya ng makalabas kami.
"Medyo bitin eh." totoong sagot ko.
"Dami mo ngang nakaing gravy, bitin?" medyo insulto niyang tanong.
"'Di naman nakakabusog ang gravy." sabi ko naman. Inayos ko ang mask ko kasi bumababa.
Inakbayan niya ako at sabay kaming humakbang sa escalator. Papunta na kami ngayon sa second floor ng mall kung saan naroon ang grocery store.
Kumuha siya ng cart ng makapasok kami. Itutulak na niya sana kaso humarang ako sa daraanan niya. Pinag kunutan niya ako ng noo.
"Pasakay ako, gusto ko sumakay. Please..." pagmamakaawa ko at nginitian siya ng malaki para lang pumayag siya.
YOU ARE READING
HER SECRET
Misterio / SuspensoHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...
