CHAPTER 75

117 6 0
                                    

𝐑𝐞𝐯𝐞𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐕 - 𝐀𝐛𝐮𝐬𝐞

Warning: Matured Scene Ahead! 🔞

AIRAH'S POV

"I miss you so much, babe."

Ulit niya ng hindi ako nakapagsalita ng ilang minuto.

"Babe."

May pag aalangan na sabi niya. Siguro dahil hindi ako nagsasalita.

Napaluha nalang ako ng hindi namamalayan. Isang linggo kong hindi narinig ang boses niya. Isang linggo kong hindi ko siya nakita, nayakap, nakausap. I miss him so much too.

"Y-you're a-awake?" hindi diretsong tanong ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Ayokong marinig niya ang mahina kong pag hikbi.

But.. "You're crying, babe?"

"No."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Babe. I know you're crying. Halata sa boses mo."

"I'm so happy lang na gising kana. Ginulat mo naman kasi ako eh... Kailan ka pa nagising? Bakit hindi sinabi sa akin ni Tita Kylie na gising kana pala."

"Mom asleep. I just took her phone from the table then I saw her recent call which is you, then I called you because she couldn't contact you earlier so I tried to call you now and you answered."

Bigla kong naalala yung nangyari kanina sa Trial Court. Hindi natupad yung gusto kong mangyari na mapawalang bisa yung future wedding namin ni Kintkeil. Nakakainis sobra! Iyon ang pinunta ko dito tapos walang nangyari.

"Airah."

Nabalik ako sa ulirat ng marinig ang pagtawag ni Tyrone ng pangalan ko sa mahinang boses.

Hindi ko alam pero nakaramdaman ako ng kaba. Based on his mentioning my name, parang may gusto siyang sabihin.

"I want to ask you. Gusto ko sa'yo ko maririnig." mahina niyang sabi.

Napalunok ako bigla bago mag... "What's that?"

"Is it true that you and Kintkeil are getting married next year?"

Tila nahulog yata ako sa bangin ng marinig ko ang tanong niya. Saan niya nalaman? Sinabi ba ni Tita Kylie ang pinunta ko dito?

"Airah answer me."

"Ahh---" Natameme ako ng medyo lumakas ang boses niya pero hindi siya galit, naiiyak siya. Napapikit ako at nakagat ko ang labi ko. "Y-yes. But..." Bumuntong hininga ako.

Sasabihin ko ba sa kanya na hindi na annulled ang kasal namin ni Kint. Or magsisinungaling nalang ako.

"But?"

"You have nothing to worry about because I have fixed it." bigla kong sagot. "Nasabi narin siguro sa'yo ni Tita na kaya ako pumunta dito for annulment and..." Peke akong ngumiti. "Wala ng kasal na magaganap because our wedding was annulled kanina lang." Tumulo ang luha ko. "I'm so happy, Tyrone."

Nilayo ko ang telepono sa tenga ko at nagtakip ng bibig. Hindi ko intensiyong magsinungaling sa kanya pero ayoko namang sabihing walang nangyari at ikakasal parin kami. Ayokong maging malungkot siya, ayokong pagkatapos ng pag-uusap namin ay marami siyang iisipin. At isa pa ayokong mag away kami ng dahil doon.

HER SECRETWhere stories live. Discover now