CHAPTER 85

112 6 0
                                    

𝐆𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐁𝐚𝐥𝐥

AIRAH'S POV

Todo ang pag-aayos sa akin ni Winter ngayon para sa Graduation Ball mamaya. Alas dos palang ng hapon ay pumunta na siya dito sa condo namin ni Katsuki. Ang dami niyang bitbit na mga make up kit, mas excited pa nga siya kesa sa akin.

"A-aray!"

Nasambit ko pagkatapos niya ako lagyan ng contact lense sa mata. Hindi talaga ako sanay maglagay ng contact lense, hindi ko trip. Maganda na mata ko para lagyan ng contact lense.

"Sorry gurl."

Pagkatapos niya akong lagyan ng contact lense ay ang buhok ko naman ang inayos niya. Kinulot niya ang buhok ko at tinali sa mataas. Hindi niya ako nilagyan ng laylay na buhok sa harap kundi brinush niya ng malinis ang buhok ko sa tuktok.

Ang ganda ng make up ko. Napaka light, bumagay sa puti kong mukha, sobrang ganda din ang gray contact lense ko. Imagine naka ponytail ako na mataas, light ang make up with so much glitters in my eye shadow, gray contact lense and peach gown. Super minimalist and simple ang look ko. Ang gaan tignan. Gusto ko rin yung lips ko, kakulay ng gown ko.

"Shocks ang pretty mo gurl! Wala paring kupas!"

Sabi niya sa akin habang malaki ang ngiti. Pinatitigan ko ang mukha at katawan ko sa life mirror.

Oo na, ang pretty ko na. Masasabi kong maganda ako ngayon kesa noon. Iba talaga mag alaga si Katsuki. Iblo-blooming ka niya mula ulo hanggang paa.

"Gurl dito ka lang ha, huwag ka aalis. Pupuntahan ko lang si Tyrone sa kabilang kwarto, tignan ko kung tapos na siya mag ayos."

"Sige." sabi ko lang at ibinalik ulit ang tingin sa life mirror.

Tinignan ko ang wall clock at may isang oras nalang pala bago mag start ang program.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Akala ko si Winter ang bumukas si Tyrone pala.

Napangiti ako ng makita ang buo niyang itsura. Ang gwapo niya sa turtleneck pullover na suot niya, hindi ako nagkamali na iyan ang pinili kong suotin niya.

At dahil fitted ang turtleneck niya at pullover pa ito hanggang wrist. Kitang kita ang magandang triangle shape ng katawan niya. Bagat na bagat rin ang abs niya. Apaka hot talaga ng lalaking 'to.

"Bakit hindi mo pa suot yung long coat mo?" tanong ko.

"Maya nalang sa school. Mainit 'tsaka mabigat." sagot nito.

Pumunta siya sa likuran ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko 'tsaka niya ako tinignan sa mirror. Nagtititigan kami sa salamin.

"You're so beautiful, Dandere. When you're really dressed up I stutter, you're so beautiful." His voice is very low and deep.

"Ah so kapag nakaayos lang pala ako maganda, so kapag hindi pangit ako ganun?" pinag taasan ko siya ng kilay.

"No. Ang gusto kong sabihin mas lalo kang maganda kapag nakaayos ka. Ang ganda mo na nga kapag walang ayos pero mas maganda ka pa pala kapag may ayos. Pero mas prefer ko parin ang natural beauty mo. Sarap kurutin ng ilong mo, sarap titigan ng mga mata mo at sarap halikan ng malambot mong labi."

Napangiti ako. Kapag talaga kino-complement ako nito hindi ko maiwasang hindi kiligin. Pakiramdam ko nang iinit ang pisngi ko sa pamumula.

Alam ko kasi na di niya ako ineechos echos lang, I know that he's genuine.

HER SECRETWhere stories live. Discover now